1–2 minutes

Arestado ang dalawang suspek kabilang ang isang High Value Individual (HVI) sa Ikinasang Buy-Bust Operation ng Cabuyao PNP.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Bacolod at Acmad residente ng Quezon City.

Ayon sa ulat ni PLTCOL JACK E ANGOG, Hepe ng Cabuyao City Police Station nagkasa ang kanilang mga operatiba ng anti-illegal drug buy-bust operation kaninang madaling araw 12:55 sa may Brgy. Banlic, Cabuyao City, Laguna na nag resulta sa pagka aresto ng mga akusado matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong (3) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 300 gramo na nagkakahalaga ng Php 1,500,000.00, one unit of cellular phone, one unit Toyota Vios kulay orange na may Plate No. NCR-6896 at narekober din sa mga suspek ang buy-bust money.

Ang mga arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Cabuyao CPS na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Bilang pagtalima sa panawagan ng ating Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR, ang Laguna PNP ay puspusan sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra ilegal na droga. Ang pagkakahuli ng mga High Value Individuals (HVI) na ito ay dahil sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga mamamayang sa aming mga kapulisan para mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng buong Lalawigan ng Laguna.” #gtgmayani
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending