1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person Regional Level sa isinagawang manhunt charlie ng Calamba Pulis kahapon Mayo 25, 2023.
Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Jayson residente ng Calamba City, Laguna.

Ayon sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba City Police Station nagsagawa ang warrant personnel ng manhunt charlie kahapon Mayo 25, 2023 sa ganap na 3:10 ng hapon sa Brgy. Lamesa, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagka aresto sa akusado sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Murder.

Ang nasabing Warrant of Arrest ay inisyu ni HON. LUVINA PADOLINA ROQUE, Presiding Judge of Regional Trial Court, Fourth Judicial Region Branch 29, San Pablo City, Laguna na walang nirerekomendang piyansa.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng Calamba CPS ang nasabing akusado samantalang iimpormahan naman ang pinagmulan ng warrant of arrest sa pagkaaresto ng akusado.
Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Bilang pagtalima sa panawagan ng ating Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR, ay mas papaigtingin pa namin ang pagsasagawa ng Manhunt operations para mahuli ang iba pang mga nagtatago sa batas para mabigyan ng hustisya ang kanilang mga naging biktima.” #gtgacana
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending