1–2 minutes

Arestado ang Municipal Councilor ng Santa Cruz, Laguna matapos boluntaryong sumuko sa Pila PNP kahapon Mayo 31, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si Alyas Mark residente ng Santa Cruz, Laguna.

Ayon kay PMAJ ABELARDO D JARABEJO III, Hepe ng Pila Municipal Police Station si Alyas Mark, ay nagsadya sa kanilang opisina kahapon Mayo 31, 2023 sa ganap na 10:00 ng umaga upang boluntaryong sumuko. Agad naman tiningnan ng Warrant Personnel sa E-Warrant System ang nasabing warrant of arrest para kay Alyas Mark, at nag positibo ang nasabing warrant, agad namang hinuli ng Warrant PNCO ng nasabing station si Alyas Mark Anthony at ipinaliwanag sa kanya ang kanyang mga Karapatan.

Napag-alaman na itong si alyas Mark ay may 3 kasong Rape through Sexual Assault at Rape. Ang nasabing Warrant ay ipinalabas at nilagdaan ni Hon Mary Grace S Bonsol-Cabal, Acting Presiding Judge of Regional Trial Court Branch 27, Santa Cruz, Laguna na walang kaukulang piyansa.

Ang nasabing akusado ay nasa pangangalaga ng Pila Municipal Police Station samantalang ipag-bibigay alam naman sa pinagmulan ng Warrant of Arrest.

Ayon sa Pahayag ni PCOL SILVIO, “Patuloy na paiigtingin ng Laguna PNP ang kampanya laban sa mga taong umaabuso sa dignidad at kahinaan ng mga babae lalo na ang mga kabatan. Bibigyan ng Hustiya ang mga biktima at ilalagay sa kulungan ang mga kriminal. Ang pamunuan ng Laguna PNP ay patuloy na nag susumamo sa mga mamamayan ng Laguna na maki pag tulungang isumbong ang gumagawa ng mali o uma abuso sa kanila na ang hustiya ay makamtam nila”. #gtgacana

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending