1–2 minutes

Ngayong araw, Bayan ng Candelaria naitalagang ika-37 na Insurgency Free Municipality at Stable Internal Peace and Security sa pamamagitan ng Paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) ika-6 ng Hunyo, 2023 sa Candelaria Sports Center, Brgy. Poblacion, Candelaria, Quezon.

Ikanga ni PCOL LEDON D MONTE, Provincial Director “Tuwiran nating ipinapatupad ang pagtutuldok sa terorismo at banta nito sa ating lalawigan. Ang ating gobyerno kasama ang bawat ahensiya ay nagkaisa upang kamtan ang isang progresibo, payapa, at ligtas na pamayanan. Ang adhikaing pangekonomiya at kausadang Kaunlaran ay ating makakamit lalo na kung tayo ay magkakasama.”

Ang deklarasyon ng Candelaria bilang bayan na Insurgency Free ay parte ng depinitibong kampanya ng sanib-pwersang NTF-ELCAC- PNP, AFP at LGUs upang diretsahang iugnay ang pagbubuklod ng layon ay kaisahan ng bawat Pilipino sa pangkapayapaan at kaayusan bilang dulot-simbolo ng iisang bandila ng soberenya at solidaridad.

Gayundin, ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon Mayor George Suayan -MTF-ELCAC Chairman katuwang ang PNP; PLTGEN RHODERICK ARMAMENTO, Commander APC-SL, PCOL LEDON D MONTE, Provincial Director, PLTCOL BRYIAN D MERINO, COP Candelaria MPS, at PMAJ RODELIO M CALAWIT FC, 1st QPMFC. Sa katuwang naman sa AFP – LTC ERNESTO R TENEZA JR, PROVINCIAL COMMANDER 59TH IB 2ID PA LTC ERWIN GLENN ROMERO, 201st Infantry (KABALIKAT) Brigade, kasama ang iba pang mga kinatawan ng ahensiya na nakilahok sa seremonyal na deklarasyon.



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending