1–2 minutes

Ini-ulat ni Rizal PPO, Provincial Director, Police Colonel Dominic L Baccay kay CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Carlito Malapit Gaces ang pagkakaaresto sa Most Wanted Person ng CALABARZON.
Kinilala ni Police Colonel Baccay ang akusado na si JEFFREY SORONGCLO y POMARIO, 26-taong gulang at naninirahan sa Antipolo, Rizal.

Base sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng Antipolo CPS, CIDG Rizal PFU, 404th A MC RMFB4A at PIT Rizal RIU dakong 8:30 AM June 7, 2023 ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Rape ay matagumpay na naaresto bandang 1:00PM ng parehong araw sa Sitio Corazon De Jesus, Brgy. San Jose, Antipolo City Rizal.

Pinaalalahanan naman ang akusado ng kanyang karapatan at kasalukuyang nakapiit sa CIDG RIZAL PFU Custodial Facility para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.
Ani PCOL BACCAY, ang pagkakahuli sa akusado ay isa lamang sa paraan ng Rizal PNP upang maisaayos at maging payapa ang probinsya. Ang mga nagtatago sa mata ng batas ay sinisuguro ng kapulisan na mahuhuli ang mga ito ng sa gayon ang kriminalidad at iba pang illegal na gawain ay mawawaksi.



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending