1–2 minutes

Arestado ang isang lalaki sa panunutok ng baril sa Sta Rosa PNP kahapon Hunyo 11, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Marvin residente ng Biñan, Laguna.

Ayon sa ulat ni PLTCOL DWIGHT F FONTE, hepe ng Santa Rosa City Police Station, habang nag papatrolya ang kanyang mga personnel kahapon Hunyo 11, 2023 sa ganap na 10:20 ng gabi sa kahabaan ng Barangay Sinalhan Sta Rosa City nakarinig sila ng isang lalaki sumisigaw na ang suspect ay may baril habang naka tutok ang baril sa ulo ng biktima.

Nang marinig ng suspect na humihingi ng tulong ang biktima ay agad tumakbo palayo sa lugar ng pinangyarihan subalit agad din naman nahuli ng mga rumespondeng pulis at nakumpsika sa suspek ang isang unit ng Caliber 45. at mga bala.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng Santa Rosa CPS ang arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Grave Threats at RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” samantala ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa ballistic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Sa patuloy na pagpatrolya ng ating mga kapulisan ay mas mabilis nilang nagagampanan ang kanilang trabaho at sa tulong na din ng ating komunidad. Dagdag pa ni PCOL SILVIO siya ay di mag-sasawang mananawagan sa mga mamamayan ng lalawigan ng Laguna na magtulungan para sa mas ligtas at maayos na komunidad sa lalawigan ng Laguna. #gtgacana
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending