1–2 minutes

Naka-score na naman ang Quezon Police Provincial Office (PPO) sa kampanya nito laban sa kriminalidad matapos ang kanilang magdamag na operasyon laban sa iligal na droga.

Ayon kay PCOL Ledon D Monte, ang Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office (PPO), limang (5) indibidwal ang kanilang naaresto sa mga anti-illegal drug operations na isinagawa ng iba’t ibang yunit ng Quezon PPO simula ala-sais ng gabi noon Hunyo 19, 2023 hanggang ala-sais ng umaga ngayong Hunyo 20, 2023.

Sa bayan ng Real, arestado ang suspek na si Mark Jenno Garcia matapos siyang magbenta ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 1.5 gramo at Dangerous Drug Board (DDB) Value na Php 10,200.00.

Sa bayan naman ng Dolores, arestado ang suspek na si Jerwin C Garcia matapos siyang magbenta ng 0.9 na gramo ng pinaghihinalaang shabu na may DDB Value na Php 6,120.00.

Sa bayan ng Sariaya, arestado rin ang suspek na si Jaimer B Escovilla matapos siyang magbenta ng 0.18 na gramo ng pinahihinalaang shabu ng may DDB Value na Php 1,224.00.

Samantala, sa Lucena City naman ay naaresto ang suspek na si Wilfredo A Garcia matapos siyang magbenta ng anim (6) na sachets ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 4.0 na gramo na may DDB Value na Php 27,200.00.

Dahil naman sa maagap na pagresponde ng mga kapulisan ng Mauban MPS ay naaresto nila ang suspek na si Brian C Alipio. Nakumpiska kay Alipio ang 0.2 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may DDB Value of Php 1,360.00.

Sa kanyang mensahe ay binanggit ni PCOL Monte na ang nasabing mga accomplishments ay bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng Quezon PPO laban sa iligal na droga.

“Bukod sa ating supply reduction strategy tulad ng mga buy-bust at pagpapatupad ng Search Warrant ay pinapalakas din natin ang ating demand reduction activity na kung saan ay binibigyan natin ng kaalaman ang ating mga kababayan patungkol sa masasamang epekto ng iligal na droga,” dagdag ni PCOL Monte.

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#QuezonPulisAtUrSerbis



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending