1–2 minutes

Arestado ang dalawampu’t pitong (27) indibidwal na nagtatago sa batas, matapos silang madakip ng mga operatiba ng Quezon Police Provincial Office (PPO) sa isinagawang walang humpay na police operations kontra Wanted Persons simula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1, taong kasalukuyan

Ayon kay PCOL Ledon D Monte, ang Provincial Director ng Quezon PPO, ang nasabing isang linggong operasyon ay bilang bahagi ng tuloy-tuloy at pinaigting na kampanya ng Quezon PPO laban sa kriminalidad.

Dagdag pa ni PCOL Monte, sa mga naarestong mga Wanted persons, labing-isa (11) dito ay nakatala bilang Most Wanted Person sa iba’t ibang level.

Ayon naman sa datus ng Provincial Investigation and Detective Management Unit (PIDMU) ng Quezon PPO, ang Lucena CPS na nakaaresto ng pitong (7) Wanted Person ang nakapagtala ng pinakamataas na huli para sa linggong nakalipas. Sinundan naman ito ng Gumaca MPS na nakahuli ng apat (4) na Wanted Persons at Lucban MPS, Tayabas CPS at Sariaya MPS na nakahuli ng tig-dadalawang (2) Wanted Persons.

Samantala, sa labing-isang Most Wanted Persons na nahuli, apat (4) dito ang nakatala sa Regional Level, tatlo (3) naman sa Provincial Level, at apat (4) sa Municipal Level.
“Sa pagkaka-aresto ng nasabing mga Wanted Persons, nagpapakita lamang ito ng ating pagnanais na mas lalo pang mapaganda ang peace and order situation sa ating lalawigan,” ani PCOL Monte.

Pinaalalahanan rin ni PCOL Monte ang kanyang mga kasama sa Quezon PPO na maspaigtingin pa ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad kasabay ng pag-apela sa patuloy na suporta ng mga mamayanan ng Quezon sa iba’t ibang programa ng Quezon PPO para mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lalawigan ng Quezon.

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending