1–2 minutes

Mahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act ang tatlong (3) tulak na drug personalities matapos masamsam sa kanila ang higit sa isang (1) milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Purok 7, Barangay Dalahican, Lucena City, Quezon, madaling araw ng Hulyo 9, 2023.

Kinilala ng Provincial Director ng Quezon PPO na si PCOL Ledon D Monte ang mga naarestong suspek na sina Alvin Gobrin Unlayao alyas Benny, 35 taong gulang residente ng Purok 6, Brgy Dalahican, Lucena City; Christian Cantor Aquino alyas Kwatog, 39 taong gulang, residente ng Purok 1A, brgy dalahican, Lucena City; Robert Driz Moreno alyas Pong, 35 taong gulang, residente ng Purok 3A, brgy dalahican, lucena City na pawang mga naitalang mayroong previous drug cases.

Ayon sa ulat ng Lucena PNP Drug Enforcement Unit (DEU) ng Quezon PPO, si Benny, Kwatog, at Pong ay naaresto matapos silang magbenta ng iligal na droga sa operatiba na nagpanggap bilang poseur-buyer.

Nakumpiska naman sa nasabing operasyon ang anim (6) na sachet at isang (1) knot tied plastic bag ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 94.4 gramo at mayroong Street Value na Php 1,925,762.00.

Ayon kay PCOL Monte, matagal ng minamanmanan ng kanilang operatiba sina Benny, Kwatog, at Pong dahil sa kanilang mga drug activities.

Dagdag pa ni PD Monte, sa pagkakaaresto ng mga suspek at pagkakakumpiska sa nasabing halaga ng mga droga ay maraming kababayan tayo sa Quezon ang maililigtas sa posibleng pagkalulong sa iligal na droga at bantang dinudulot nito sa komunidad.

“Ang ginagawa nating mga drug operations ay pangunahin at palagiang pagpapaigting ng peace and order, ang pag-aresto sa mga drug personalities ay paraan natin upang pigilan ang kanilang pambibiktima ng ating mga kababayan pati ang kanilang mga masasamang gawain,” ani PCOL Monte.

“Tuloy-tuloy din tayong nagsasagawa ng mga drug awareness campaigns para ipaabot sa ating mga kababayan ang masasamang epekto ng iligal na droga sa ating pamayanan,” dagdag pa ni PCOL Monte.

Sa kasalukuyan, ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya ng Lucena CPS habang inaayos ang mga dokumento para sa reklamong kahaharapin niya.

Source: Quezon PNP-PIO

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending