1–2 minutes

Arestado ang isang suspek sa isinagawang Buy-Bust Operation ng Santa Cruz Pulis Kahapon Hulyo 10, 2023.

Kinilala ni Police Colonel HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO ang suspek na si Alyas Anthony residente ng Pagsanjan, Laguna.

Sa ulat ni PMAJ GABRIEL A UNAY, hepe ng Santa Cruz Municipal Police Station nagsagawa ang kanilang Drug Enforcement Unit personnel ng drug buy-bust operation kahapon sa ganap na 11:10 ng gabi Hulyo 10, 2023 sa Sitio Maligaya, Brgy. Pagsawitan, Santa Cruz, Laguna na nag resulta sa pagkakaaresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa suspek ang 4 na plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na aabot sa 5 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 34,500.00, isang sling bag na naglalaman ng isang unit ng kalibre 38. Revolver at mga bala.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng Santa Cruz MPS ang arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” at RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” samantala ang mga kumpiskadong ebidensiya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic at ballistic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR “kung kayo ay may mga reklamo wag kayong mag atubili na pumunta sa alin mang himpilan ng Pulisya lalong-lalo na dito sa lalawigan ng Laguna dahil makaka-asa kayo na ang Laguna PNP ay laging handa sa tawag ng tungkulin upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa aming nasasakupan. #gtgacana
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending