1–2 minutes

Arestado ang Rank No. 1 Most Wanted Person na isang construction worker ng CALABARZON sa Manhunt Charlie Operation ng Calamba Pulis noong Hulyo 19, 2023.

Kinilala ni Police Colonel HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO ang akusado na si Alyas Jimmy residente ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba City Police Station nagkasa ang kanilang Warrant Personnel ng Manhunt Charlie Operation laban kay Alyas Jimmy kahapon sa ganap na 5:50 ng hapon Hulyo 19, 2023 sa Brgy. Milagrosa, Calamba City, Laguna na nag resulta sa pagkakaaresto ng nasabing akusado sa bisa ng warrant of arrest sa kasong 6 counts na Rape.

Ang nasabing Warrant of Arrest ay inisyu at nilagdaan ni HON. AVE A ZURBITO-ALBA, Acting Presiding Judge of Regional Trial Court, Fourth Judicial Region Branch 8, Calamba City, Laguna na walang kaukulang piyansa

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang arestadong akusado, samantalang iimpormahan naman agad ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkaaresto nito.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR “Ang pagtugis ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa Batas ay bilang pagsunod sa panawagan ng pamunoan ng kagalang-galang na Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR na palawakin at mas pinaigting pa ang mga operasyon laban sa mga may pananagotan sa batas upang bigyang hustisya ang mga naging biktama. #gtgacana
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending