1–2 minutes

Agad na rumesponde ang kapulisan ng Taal Police Station sa isang tawag mula sa isang Concerned Citizen matapos mapag-alamang isang insidente ng pamamaril ang naganap.
Ayon sa paunang imbestigasyon, kinilala ang biktima na si Erasmo Divino Hernandez, kasalukuyang naninilbihan bilang Brgy. Captain ng Brgy. Poblacion, Zone 10, Taal, Batangas.


Sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Carlito M Gaces, bandang 7:20 ng umaga ng ika-5 ng Setyembre 2023, si Hernandez ay nasa harap ng Barangay Hall ng Brgy. Poblacion Zone 10 ng nasabing bayan nang bigla itong pagbabarilin ng makailang ulit ng dalawang di pa nakikilalang suspect at tumakas patungo sa direksyon ng Sta. Teresita, Batangas sakay ng motorsiklo. Naitakbo pa ang biktimang si Hernandez sa Lemery Doctors Hospital ngunit sa kasamaang palad ay naideklarang Dead on Arrival dahil na rin sa mga natamong pinsala.

Inaalam pa ang motibo sa naturang insidente.
Walang atubili na bumuo ng Special Investigation Task Group ang Batangas PNP sa pamumuno ni Police Colonel Belmonte upang tugisin at malaman ang pagkakakilanlan ng dalawang nasabing suspect.


“Hindi titigil ang Batangas PNP hanggat hindi natutunton at nahuhuli ang mga may kinalaman sa insidenteng ito. Labis labis ang pakikiramay ng buong kapulisan sa naiwang pamilya ng biktima.”. – PCOL BELMONTE.

###piobatangasppo###
###TeamPIO



Contact #: 09171180238




September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending