2–3 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado sa dragnet operation ng Binan City Police ang dalawang suspek na nagpanggap na pulis, nanloob, nag-holdap, at dumukot sa dalawang biktima sa isang motel sa Binan City, Laguna noong September 12, 2023.

Kinilala ni PCOL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alias Balong at alias Juan, parehong residente ng Binan City, Laguna.

Ayon kay PLTCOL VIRGILIO M JOPIA, hepe ng Binan CPS, nakatanggap ng tawag ang Binan CPS mula sa isang Motel sa Brgy Antonio, Binan City tungkol sa panghohold-up at pagdukot sa dalawa nitong guests.

Bilang tugon, agad na nagtungo ang kapulisan ng Binan CPS na pinangunahan ni PLTCOL JOPIA sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Binan CPS, pinasok ng dalawang suspek ang kwarto ng mga biktima at nagpakilalang pulis. Matapos na pasukin ang nasabing kwarto ay agad na dinukot ang dalawang biktima at isinakay sa isang kotse. Habang sakay ng kotse naganap naman ang pang hoholdap at nakuha sa mga biktima ang kanilang mga alahas, pera na nagkakahalaga ng sampung libong piso (PhP 10,000.00) at iba pang electronic devices. Agad din namang ibinaba ang mga biktima sa Brgy. Platero, Biñan City at dahil dito sila ay nagkaroon din ng pagkakataon upang humingi ng tulong at ireport ang nasabing insidente.

Samantala, agad na nagsagawa ng dragnet operation ang Binan CPS na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mga suspek sa Manabat Street, Brgy Antonio Proper, Binan City, Laguna.

Narekober sa mga suspek ang dalawang (2) caliber .38 na baril, tatlong (3) piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at ang mga alahas at pera ng mga biktima na nagkakahalagang sampung libong piso (PhP 10,000.00).

Kasalukuyang isinasagawa ang follow-up operations upang mahuli ang apat (4) pang mga suspek na kasabwat sa panghoholdap at pagdukot sa mga biktima.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Binan CPS at dinala sa Regional Forensic Unit (RFU) kasama ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu para drug test at laboratory tests.

Sasampahan sa Prosecutor’s Office ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Omnibus Election Code), Republic Act 9165, Abduction, Robbery Hold-Up, at Usurpation of Authority.

Sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Nararapat lamang na masawata ang mga modus operandi katulad nito. Ako po ay nagpapaabot din ng pasasalamat sa ating mga concerned citizens at establishments na talagang tumatalima sa shared responsibility sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang lokalidad.” #gtgilao



Contact #: 09171180238




September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending