1–2 minutes

Pormal na iginawad ang “Institutionalized” Status sa Batangas Police Provincial Office matapos ang mahabang panahon ng paghahanda at pagpupursige. Isinagawa ang naturang programa sa Dreamzone, Provincial Capitol, Hilltop, Batangas City noong ika-8 ng umaga ng Setyembre 25, 2023.

Malugod na tinanggap ni Batangas Police Peovincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte ang Silver Eagle Award matapos tumanggap ng 91.56% na rating sa nasabing Institutionalization Evaluation Process. Ang programa ay pinangunahan ni Police Colonel Mariano C Rodriguez na siyang Chief of Regional Staff ng Police Regional Office 4A at Chief, Regional Police Strategy Management Unit kasama ang Regional Advisory Group for Police Transformation and Development Member na si Mrs. Teresita M. Leabres at ang Provincial Advisory Group Chairman na si Dr. Rolando A. Tumambing

Dumalo rin sa programa ang butihing Gobernador ng Probinsya ng Batangas na si Honorable Hermilando I. Mandanas. Dito ay ipinahayag naman niya ang kanyang suporta sa buong kapulisan ng Batangas.

Ang Institutionalized Status ay nangangahulugang nakikita na ang magandang resulta mula sa mga layunin ng organisasyon ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa pamamagitan ng Good Governance.

“Ang ibig sabihin po ng parangal na ito ay patuloy pong pinagbubuti ng inyong kapulisan ng Batangas ang mga proseso at pamamalakad sa aming hanay upang mas mapaglingkuran nang mas mabuti ang komunidad. Makakaasa po kayo na mas pagbubutihan pa po namin ang aming paggampan sa aming sinumpaang tungkulin – TO SERVE AND PROTECT.”– PCOL BELMONTE

###piobatangasppo###
###TeamPIO


Contact #: 09171180238





September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending