1–2 minutes

Arestado ng mga tauhan ng Tanauan City Police Station kasama ng Maritime Police Station, Special Operations Unit ang isang lalaki na sangkot sa pamamaril na may kasong Murder sa isinagawang operasyon noong 2:06 PM ng Oktubre 4, 2023.

Kinilala ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director, Police Colonel Samson B Belmonte ang naturang akusado bilang si Fidel Antioquia, walang asawa, 26 taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa Tanauan City, Batangas.

Batay sa ginawang imbestigasyon, noong 6:30PM ng Abril 10, 2023 sa Barangay Natatas, Tanauan City, Batangas, binaril ng akusado ang menor de edad na biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito. Pagkatapos ay tumakas ang akusado papalayo sa pinangyarihan ng krimen.

Nahuli ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 6, Tanauan City noong Setyembre 13, 2023 at walang nakalaang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tanauan CPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon.


“Ang kapulisan po ng Batangas ay doble kayod sa pagtugis sa mga nagkasala sa batas. Mariin pong iniimbestigahan ang mga kaso upang masiguro ang pagkakaroon ng hustisya sa mga biktima ng krimen.”– PCOL BELMONTE

###piobatangasppo###
###TeamPIO


Contact #: 09171180238





October 2023
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending