1–2 minutes

Tinatayang nasa lima na ang patay sa gumuho na bundok sa Sitio Angelo, Barangay Umiray, General Nakar, Quezon bandang alas 4:30 ng madaling araw ng Oktubre 25, matapos ang sunod-sunod na pag-ulan sa lugar.


Sa inisyal na datos na nakarating sa tanggapan ni Mayor Eliseo “Esee”Rusol , alkalde ng Gen Nakar, nangyari ang insidente ng alas 4:30 ng madaling araw ng Oktubre 25, at lima na ang nasawi sa dulong bahagi ng nasabing bayan sa Barangay Umiray.

Kinilala ang apat na biktima na sina Ramel M. Binalao, Sherly Delos Angeles, Jonathan Delos Angeles, Dionely Datario at ang pang lima ay patuloy na inaalam ang pagkakilanlan nito.


Naidala na sa munisipyo ng Gen Nakar ang mga labi gamit umano ang chopper na Black Hawk ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army. Hirap din ang mga rescuer dahil napakahirap ang pinangyarihan ng insidente. Tuloy tuloy pa rin ang paghuhukay sa pinangyarihan at katulong na rin ang Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (QPDRRMO).


Nagpahatid agad ng tulong ang Provincial Government ng Quezon mula sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan para sa Kabaong at Lamay sa mga pamilyang naulila.


At foodpacks naman para sa apektadong mga kababayan sa Sitio Angelo, Brgy Umiray, Gen Nakar, Quezon. //PAU DELA CRUZ




Contact #: 09171180238



October 2023
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending