1–2 minutes

Tuloy-tuloy na pagseserbisyo at pamimigay ng tulong mula sa gobyernong nasyonal ang inihandog sa mga mamamayan ng lalawigan ng Laguna sa pagbubukas ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair!

Ang BPSF ay prayoridad na programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., katuwang si Speaker Ferdinand Martin Romualdez, House of Representatives, at ng Presidential Communications Office. Layon ng BPSF na dalhin pa sa mga komunidad ang mga inisyatibo ng gobyerno upang mas makatulong pa sa pagpapaunlad ng buhay ng bawat Pilipino.

Pinangunahan nina Laguna 2nd District Rep. Ruth Mariano Hernandez at Laguna Gov. Ramil L. Hernandez ang pagbubukas ng serbisyo caravan sa probinsya nitong Nobyembre 4. Kapwa nila hinimok ang mga Lagunense na dumalo, makisaya, at tumanggap ng tulong mula sa mga inihandang programa ng pamahalaan.

Nagsilbing panauhing pandangal si Special Assistant to the President Sec. Antonio Lagdameo Jr., dumalo rin dito si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na namahagi ng mga libreng wheelchair sa mga senior citizen.

Ilan sa mga ipinamahagi sa BPSF ang mga livelihood packages, educational scholarships, Certificate of Land Ownership, tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), tulong sa mga magsasaka at mangingisda, mga ICT equipment, AICS cash assistance, at marami pang iba.

Unang lalawigan sa rehiyong CALABARZON, habang ika-limang lalawigan naman sa buong bansa na napuntahan ng BPSF ang Laguna.

Sama-sama tayo tungo sa Bagong Pilipinas! | 📸 Mark Bryan Lito, PIA-4A

#BagongPilipinasSerbisyoFair
#BPSFLaguna




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending