1–2 minutes

Nakumpiska ang tinatayang higit 100 libong halaga ng shabu sa kahabaan ng 0195 Sitio San Valentine St. Brgy Pantok Binangonan Rizal bandang 10:30 ng gabi November 4 taobg kasalukuyan.

Ayon sa ulat, naaresto ang dalawang personalidad ng iligal na droga kabilang ang isang construction worker sa ikinasang drug buy-bust operation ng Binangonan Municipal Drug Enforcement Team (MDET) matapos magbenta ang mga ito ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer. Gayundin, mabilis na naaresto sina Alyas Jessy, 40-taong gulang, lalaki, construction worker at Alyas Payat, 18-taong gulang, lalaki na parehong nakatira sa Binangonan, Rizal at matagumpay na makumpiska ang mga sumusunod na ebidensya:

1. 6 na pakete na may lamang hinihinalang SHABU na may kabuuang bigat na humigit kumulang 18 gramo na nagkakahalaga ng mahigit 100 libong piso (PHP 124,200.00).
2. 1 piraso ng 500 peso bill (buy-bust money)
3. 5 piraso ng 100 peso bill (confiscated money)
4. 1 unit ng cellphone at;
5. 1 piraso ng coin purse

Mahaharap sa reklamong paglabag ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek at kasalukuyang nakapiit sa Binangonan Custodial Facility para sa tamang disposisyon.

Pinuri naman ni PCOL FELIPE MARAGGUN, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office ang naging matagumpay na operasyon at naninindigan ito na ang mga kapulisan ng Rizal ay lalong magsisigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na tumatangkilik at nagbebenta ng iligal na droga dito sa probinsya.




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending