1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person ng CALABARZON sa ikinasang manhunt operation ng Calamba PNP.

Kinilala ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas Rafael na residente ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba City Police Station, nagkasa ang kanilang mga operatiba ng manhunt operation kahapon sa ganap na 9:10 ng gabi Nobyembre 11, 2023 sa Brgy. Lingga, Calamba City, Laguna.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region Branch 66, Tanauan City, Batangas na nilagdaan ni HON. CHARITO M. MACALINTAL-SAWALI, Presiding Judge ng nasabing korte ay matagumpay na nadakip si alyas Rafael. Nahaharap ang akusado sa kasong R.A 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002”. Nakatala naman ang akusado bilang most wanted person ng CALABARZON.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang arestadong akusado. Agad namang inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto nito.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Ang pagkaaresto ng akusadong ito ay resulta ng walang tigil na pagtugis ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa batas. Tinitiyak ko na mananagot sa batas ang akusadong ito.” #gtgilao
#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending