1–2 minutes

Arestado ang mag live in partner sa isinagawang drug buy bust operation ng Angono Municipal Police Station gabi ng November 15 , 2023 sa kahabaan ng Diamond Street, Medalva Hills Subdivision, Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Ang sunod sunod na pagkaka aresto sa mga indibidwal na sangkot sa iligal na droga ay resulta ng mas pina igting na kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad. Kinilala ang mga naaresto na sina alyas GERALD and alyas MARRY na parehong kabilang sa kategoryang street level individual. Nakumpiska mula sa mga ito ang hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 1.0 at tinatayang nagkaka halaga ng PHP6,900.00.


Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti Drugs Law of 2002 o RA 9165 ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa Angono Custodial Facility.

“Kayang kayang sugpuin ang iligal na droga kung ang mamamayan at kapulisan ay magkaka isa.” Pahayag ni PCOL FELIPE B MARAGGUN, Rizal PNP Provincial Director.




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending