2–3 minutes

Sa pagpapatuloy ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO sa probinsiya, ang Rizal Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL FELIPE B MARAGGUN, Provincial Director ay nagsagawa ng operation laban sa mga Most Wanted Persons at nakapagtala ng 5 MWP Provincial Level.

Sa Binangonan, Rizal, isang tinaguriang Rank No. 8 Most Wanted Person, Provincial Level na kinilalang si alyas Bok, 38 na taong gulang kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Mahabang Parang ang nadakip sa isinagawang Manhunt Operation sa Barangay Calumpang, Binangonan, Rizal, Nobyembre 16 taong kasalukuyan, dakong-1:40 ng hapon. Binangonan, Rizal. Ang akusado ay may standing warrant of arrest sa kasong Violation of Sec 5 of Article II RA 9165.

Sa Taytay, Rizal hindi rin nakaligtas sa Warrant Team ng Taytay Pulis matapos magtangkang magtago na parang palos sa mga water lily na kinilalang si alyas Jeremy, 37 taong gulang at residente ng Brgy. San Juan, Taytay, Rizal ang nadakip, ika-16 ng Nobyembre 2023, 11:30 ng umaga sa kasong paglabag sa RA 9165 at kabilang sa Most Wanted Persons Provincial Level.Isa ring alyas Benny, 26 taong gulang naman ang nadakip ng awtoridad sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal sa parehong araw sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Lascivious Conduct sec 5 (B) at sec (J) Art. III ng RA 7610 na may piyansang Php2000,000.00 at Php180,000.00.

Isang alyas Tansiong naman, 20 taong gulang at residente ng Brgy. Mayamot, Antipolo City na tinaguriang Ranked No.2 Most Wanted Person Provincial Level ang nasakote ng Antipolo Pulis sa operasyon na kinasa noong ika-16 ng Nobyembre 2023 sa Antipolo City. Ang akusado ay nahaharap sa kasong Statutory Rape (2 counts) at walang nirerekomendang piyansa.

Samantala isang alyas Edwin, 55 taong gulang, residente ng Brgy. San Roque, Antipolo City, Rizal ang tinaguriang Rank No.5, City Level Most Wanted Person ang nadakip sa kasong Lascivious Conduct Sec (B) ng RA 7610 sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Acting Presiding Judge Joel C. Bantasan, RTC Br. 72, Antipolo City na may Php200,000.00 nirerekomendang piyansa.

Ang mga nadakip na suspek ay nasa kanya kanyang Custodial Facilities ng mga humuling istasyon at ang mga kopya ng warrant ay naibalik sa mga korteng pinanggalingan.

Pinuri naman ni Police Colonel Felipe Battung Maraggun, Provincial Director ang kapulisan sa matagumpay nilang pagkakahuli sa mga taong nagtatago sa batas. “Hinihikayat ko ang ating mga kababayan na makipagtulungan sa ating mga kapulisan kung meron kayong namatahan o kakilala na alam nyong pinaghahanap ng batas, sila ay agad ninyng isuplong sa pinakamalapit na himplan. Ang inyong pakikiisa ay napakalaking tulong para makamit natin ang mas mapayapang probinsiya ng Rizal”. //Edjun Mariposque//




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending