1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Rank no. 1 Most Wanted Person Municipal Level sa ikinasang manhunt operation ng Paete PNP.

Kinilala ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas Renz na residente ng Paete, Laguna.

Ayon sa ulat ni PMAJ KELVIN KIM S ZITA, hepe ng Paete Municipal Police Station nagkasa ang kanilang operatiba ng manhunt operation kahapon sa ganap na 5:25 ng hapon Nobyembre 20, 2023 sa Brgy. Bagong Silang, Lumban, Laguna.

Ikinasa ang police operation sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 102, Sta. Rosa City, Laguna at nilagdaan ni Hon. Gil Jude Franco Sta. Maria Jr, Presiding Judge, na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas Renz sa kasong RA 10883 “New Anti-Carnapping Act of 2016”. Na may nirerekomendang pyansa na PhP300,000.00.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Paete MPS ang arestadong akusado. Agad namang inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto nito.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Ang pagkaaresto ng akusadong ito ay resulta ng walang tigil na pagtugis ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa batas. Sinisiguro po namen sa inyo na mas lalo pa naming palalawigin ang mga ganitong police operation para mabigyan ng hustisya ang mga biktima netong mga nagksala sa batas”.#gtgtalampas
#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending