1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Rank no. 10 Most Wanted Person Provincial Level sa ikinasang manhunt operation ng Pulis Victoria kahapon Disyembre 12, 2023.

Kinilala ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas Intog na residente ng Sta Cruz, Laguna.

Sa ulat ni PCPT MYRA DESIREE N PASTA, hepe ng Victoria Municipal Police Station nagkasa ng manhunt operation ang kapulisan laban kay alyas Intog kahapon dakong 3:19 ng hapon Disyembre 12, taong kasalukuyan sa Brgy. Gatid, Sta Cruz, Laguna, na nagrsulta sa pagkaaresto ng akusado.

Isinagawa ang nasabing operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 176, Sta. Cruz, Laguna na nilagdaan ni Hon. Allan Samoza Hilbero, Presiding Judge, nahaharap ang akusado sa kasong Robbery.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Victoria MPS ang arestadong akusado. Agad namang inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto nito.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Hindi hahayaan ng Laguna PNP na malayang nakakagalaw ang mga nagtatago sa batas lalo na ngayong papalapit na ang araw ng kapaskohan. Paiigtingin pa ng kapulisan ang mga operasyon laban sa mga nagtatago sa batas para sa agarang pagkaaresto ng mga ito upang maibigay ang hustisya para sakanilang naging biktima”. #gtgtalampas #Edjun Mariposque


#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



December 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending