1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang barangay tanod sa ikinasang search warrant matapos mahulihan ng isang unit ng kalibre 38. Revolver noong Disyembre 14, 2023.

Kinilala ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas Warlito residente ng San Pablo City, Laguna.
Ayon sa ulat ni PLTCOL WILHELMINO S SALDIVAR, hepe ng San Pablo Component City Police Station, nagkasa ang kanilang operatiba ng Search warrant sa ganap na 1:20 ng hapon Disyembre 14, 2023 sa Brgy, VII-A, San Pablo City, Laguna.

Ikinasa ang operasyon sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Lucena City, Quezon at nilagdaan ni Hon. Agripino R. Bravo, Executive Judge na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas Warlito matapos mahulihan ng isang unit ng kalibre 38. Revolver na walang kaukulang dukomento, siya ay nahaharap sa kasong RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pablo CPS ang arestadong akusado. Agad namang inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Search Warrant sa pagkakaaresto nito.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR “Mas pinapaigtingan ng pulis laguna ang mga operasyon laban sa loose firearms upang hindi magamit sa ano man krimen at sa tulong ng mamayanan bumibilis ang pagkakahuli sa mga lumalabag sa batas.” #gtgtalampas #Edjun Mariposque
#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



December 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending