1–2 minutes

𝗜𝗡𝗧𝗘𝗡𝗦𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝟭-𝗗𝗔𝗬 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗠𝗨𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗘𝗭𝗢𝗡 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 nitong 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟵-𝟮𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟯. Upang masiguro na ligtas at payapa ang pagdiriwang ng nalalapit na Holiday season, ekstensibong nagsasagawa ang Quezon Pulis ng masinsinang anti-illegal drug operations; kaya naman, 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 (𝟮) 𝗱𝗿𝘂𝗴 𝘀𝘂𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗲𝘀𝘁𝗮𝗱𝗼 sa dalawang (2) inilatag na magkasabay at sanib-pwersang drug buy-bust operations na may kabuuang datos na nakumpiskang shabu sa kanila na may halagang street value na 𝗣𝗵𝗽 𝟲𝟭𝟴,𝟭𝟮𝟬.𝟬𝟬 at timbang na 𝟯𝟬.𝟯𝟬 𝗴𝗿𝗮𝗺𝗼.

Kinilala ni 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗣𝗖𝗢𝗟 𝗟𝗘𝗗𝗢𝗡 𝗗 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗘 ang mga nadakip na drug suspects na nakatalang Street Level Individual at Newly Identified Drug Suspects na sina @Teody, 47 taong gulang at @Tado, 45 taong gulang na nadakip mula sa bayan ng Sariaya at Lucban, Quezon.

Sa kasalukuyan sila ay nasa kustodiya ng mga responsableng Police Stations Custodial Facility upang sumailalim sa dokumentasyon at proseso batay sa kanilang kasong kakaharaping paglabag sa Sections 5 and 11, Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Aniya “Ang lahat ng ating mga operasyon ay parte ng ekstensibong kampanya kontra ilegal na droga para supilin ang mga personalidad at banta na nagdudulot sa ating lipunan ng kapahamakan lalo na sa pagdiriwang ng Holiday Seasons 2023 ng mga ating kababayan sa isang ligtas, payapa, at banayad mula sa agam-agam.”

Dagdag pa ni PD Monte, hindi tayo titigil na magsagawa ng mga police operations laban sa ilegalidad upang masiguro na makamtan natin ang isang lalawigang drug free at progresibong pamayanan ng Quezon. #Edjun Mariposque

𝗦𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲: 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗡𝗣-𝗣𝗜𝗢

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON




Contact #: 09171180238



December 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending