1–2 minutes

Director, Laguna PPO ang suspek mga suspek na sina alyas Darang 46 taong gulang at alyas Omera 25 taong gulang na pawang mga residente ng Calamba City.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba Component City Police Station nagkasa ang kanilang mga operatiba ng buy-bust operation noong Enero 18, 2024 dakong 11:03 ng gabi sa Brgy. Looc, Calamba City. Arestado ang mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa police poseur buyer kapalit ang marked money.

Nasamsam sa mga suspek ang apat (4) na pirasong heat-sealed transparent plastic sachetsna naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 13.50 gramo ng shabu at nagkakahalang tinatayang aabot sa PhP129,600.00, dalawang (2) piraso ng coin purse, isang (1) PhP500 peso bill ginamit na buy-bust money at dalawang (2) piraso ng PhP200 recovered money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CCPS ang mga arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.” Samantala, ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Regional Forensic Unit (RFU 4A) para sa forensic examination.

Sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Hindi papayag ang Laguna PNP na patuloy sirain ng mga drug personalities na ito ang buhay ng mga taga Laguna lalo na ang mga kabataan.Sa pagkaaresto ng mga suspek na ito ay muling mababawasan ang pagkalat ng bawal na gamot, binibigyang babala ko ang mga drug personalities na itigal na ang mga gatong gawain pananagutin naming kayo sa batas.” #gtgtalampas #Edjun Mariposque
#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



January 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending