1–2 minutes




Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang apat (4) na katao kabilang ang isang High Value Individual (HVI) arestado, nakumpiska sa mga suspek ang PhP455,600 na halaga ng iligal na Shabu sa isinagawang drugs buy-bust operation ng Cabuyao Pulis kahapon Enero 30, 2024.

Kinilala ni Police Colonel GAUVIN MEL Y UNOS, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na si alyas Edwina, Niño, Jasmin at Kristopher.

Sa ulat ni PLTCOL JOHN ERIC B ANTONIO, hepe ng Cabuyao Component City Police Station nagkasa ang aming operatiba ng drugs buy-bust operation kahapon Enero 30, 2024 sa ganap na 6:35 ng umaga sa Brgy. Pittland, Cabuyao City, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang iligal na shabu sa nagpanggap na police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim (6) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang iliga na shabu na may timbang na aabot sa 67 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang PhP455,600, isang unit ng cellular phone at narekober din sa mga suspek ang ginamit na buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cabuyao CCPS ang mga arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.” Samantala, ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Regional Forensic Unit (RFU 4A) para sa forensic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL UNOS “Ang pagkakaaresto sa suspek na ito ay resulta sa mas pinaigting na kampanya ng Laguna PNP laban sa iligal na Droga. Binibigyang babala ko din ang ating mga kababayan na umiwas o wag masangkot sa pinagbabawal na gamot. Tutugisin namin kayo.” #gtgtalampas

#Edjun Mariposque




Contact #: 09171180238



January 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending