1–2 minutes

Matagumpay ang inilunsad na combat operations ng 902nd Infantry Brigade nitong Marso 4, 2024 alas-4:30 ng umaga laban sa Communist Terrorist Group (CTG) sa Barangay Sta. Rita, Del Gallego, Camarines Sur.

Kasunod ito ng mga ulat na natanggap ng himpilan hinggil sa umano’y presensiya ng mga armadong grupo na kabilang sa Bicol Regional Party Committee o BRPC na siyang itinuturong responsable sa brutal na pamamaslang sa limang miyembro ng CAFGU sa Barangay Mapulot, Tagkawayan, Quezon noong Setyembre 1, ng nakaraang taon.

Sa nasabing engkwentro, nakubkob ng mga sundalo ang lugar na pinagkakampuhan ng CTG at narekober ang dalawang M16 rifles, isang M14 rifle, mga bala, mga magazines, mga pang-terorista at personal na kagamitan.

Tiniyak naman ng pamunuan ng 9ID ang kaligtasan ng mga residente sa lugar bago pa man ang pagsasagawa ng nasabing operasyon.

Naniniwala ang pamunuan ng 9ID na ang nakasagupang grupo ay naghahanda para sa gagawing taktikal na opensiba laban sa pwersa ng pamahalaan, na inaasahan ding gugunitain sa kanilang anibersaryo sa darating na Marso 29.

Sa ngayon, nakatuon ang Joint Task Force Bicolandia na matuldukan na ang armadong tunggalian sa rehiyon sa lalong madaling panahon upang tuluyan nang makamtan ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran na inaasam ng lahat.
Via 9th Infantry “Spear” Division

#Edjun Mariposque






Contact #: 09171180238

March 2024
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending