1–2 minutes

QUEZON-Patay ang isang ginang matapos pagtatagain ng at nadamay pa ang  anak ng saksakin at pagtagain din ng kanyang lasing na bayaw sa Brgy. Tala San Andres,  Quezon nitong Lunes ng hapon.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Municipal Health Center ng  San Andres ang 56-anyos na  biktimang si  Leonor Beñegas.

Kritikal naman at inilipat sa ospital sa Lucena City ang anak nito Rosalie Ortega , 34 anyos.

Base sa report ng San Andres PNP dakong alas 5:45 ng hapon, nang dumating sa bahay ng mga biktima ang lasing na suspek na si  Gary Presilda, 36 anyos,  at unang sinaksak  nito si Beñegas gamit ang isang itak.

Tinangkang umawat ng anak subalit ito naman ang tinaga ng suspek.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pananaga at ngayon ay pinaghahanap ng pulisya.

Ayon kay PCPT Angelo  Abarzosa, hepe ng San Andres police, may matagal ng samaan ng loob ang bayaw  at  kanyang hipag at sumisiklab ito kapag nakakainom ang suspek.

Napag-alaman din na dati na ring nakasuhan at nakulong ang suspek matapos tagain nito ang kanyang sariling  tatay.

Nakatakdang sampahan ng kasong murder at frustrated murder ang suspek. (BONG RIVERA)

#Edjun Mariposque






Contact #: 09171180238

April 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending