by: BONG RIVERA                ****   

1–2 minutes

QUEZON-Makaraan ang halos 13  oras na pagkalibing sa kanilang hinuhukay na balon, narekober na ang labi ng dalawang natabunang trabahador sa Barangay Biyan, Calauag, Quezon nitong nakaraang Miyerkoles.

Ayon sa mga rescuers at retrieval team na pinangunahan ng MDRRMO at PNP, kinailangan pa nilang gumamit ng back hoe at tibagin ang hukay at mga gumuhong lupa para marekober ang wala ng buhay na katawan ng mga biktimang sina Joseph Estaka at Joselito Dominiano.

Nakuha ang labi ng dalawa dakong alas 12:00 na ng tanghali nitong Miyerkoles.

Ayon naman sa pamilya ng mga biktima, noong hapon pa lamang ay tanggap na nila ang masakit na sinapit ng kanilang mga padre de pamilya at hindi na silang umaasang makukuha pang buhay ang mga ito makalipas ang magdamag.

Matatandaang dakong alas 5:45 ng hapon ng Martes ng biglang magcollapse ang nasa 13 feet ang lalim ng nahuhukay ng mga itong balon na may luwang na 6 feet.

Nakaligtas naman ang dalawa nilang kasama na sina Ulpiano Valencia Cantara, 69-anyos, at  Saturnino Maraña na nasang bandang  itaas ng hukay ng mangyari ang insidente at nagtamo lamang ang dalawa ng mga minor injuries.

Napag-alaman na ang hinuhukay na balon ng apat ay para sa pagkukunan ng water supply sa kanilang lugar na ito lamang ang tanging paraan umano upang matugunan ang dinaranas ng kanilang lugar sa kakulangan ng tubig dulot ng El Niño (tag tuyot). 

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

May 2024
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending