2–3 minutes



Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang dalawang (2) Most Wanted Person ng CALABARZON sa ikinasang manhunt operation ng Laguna PNP kahapon May 13, 2024.

Kinilala ni PCOL GAUVIN MEL Y UNOS, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang mga akusado na sina alyas John at Earvin.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba Component City Police Station CCPS, nagkasa ang kanilang mga operatiba ng manhunt operation kahapon Mayo 13, 2024 sa ganap na 11:50 ng tanghali sa Brgy. Real, Calamba City, Laguna, na nagresulta sa pagkakaresto ni alyas Earvin sa kasong Qualified Rape na may nirerekomednang pyansa na nagkakahalaga ng PhP200,000.00 ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region Branch 8, Calamba City, Laguna.

Sa hiwalay na manhunt operation ng Cabuyao Component City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL JOHN ERIC B ANTONIO, nagkasa ang kanilang mga operatiba ng manhunt operation sa ganap na 4:29 ng hapon sa Brgy. Sala, Cabuyao City, Laguna, na nag resulta sa pagkakaaresto ni alyas John sa kasong Statutory Rape na walang nirerekomendang pyansa ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court, Branch 108, Cabuyao City, Laguna.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya kanyang operating unit ang mga arestadong akusado. Agad namang inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto ng mga akusado.

Sa pahayag ni Acting Provincial Director Laguna PPO na si PCOL UNOS “Hindi kame titigil sa pagsasagawa ng mga Police Operation para masakote ang mga nagtatago sa batas para mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima makakaasa kayo na ang Laguna PNP ay gagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin. #gtgtalampas

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

May 2024
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending