by: BONG RIVERA                    

****                       

2–4 minutes

QUEZON-Patay ang isang lalaki matapos itong ma-heat stroke sa loob ng barkong Starhorse na nanggaling sa Lucena City Phil.Port Area patungo ng Cambiyang Sibuyan,Romblon.

Nakilala ang inatakeng pasahero na si Rodolfo Rago y Roleda 59 anyos pansamantalang residente ng Brgy Baclaran,Cabuyao,Laguna at native ng Cambiyang Sibuyan ,Romblon.

Ayon sa asawa at anak na nakilalang sina Ella Rago 54 anyos at Raphy Rago 23 anyon,30 minutos pa lamang naglalayag ang kanilang sinasakyang Starhorse Shipping Lines ng atakihin ang biktima.

Humihingi sila ng tulong sa mga crew ng barko upang mabigyan ng first aid ang kanilang ama subalit nabigo sila na mabigyan ng first aid ng mga crew.

Ayon pa sa asawa at anak ng ng inatake sana kung nabigyan lamang ng paunang lunas or first aid at nakabitan umano ng oxygen ang kanilang kaanak ay baka sakaling naisalba pa ang buhay nito.

Nagpasiya umano ang kapitan ng barko na bumalik na lamang sa Lucena Port Area ang barko upang madala umano sa ospital ang pasaherong inatake subalit idineklara ng doktor sa Quezon Medical Center sa Lucena City na dead on arrival na si Rodolfo Rago.

Agad sinubukang kunin ng Media ang panig at pahayag ng kapitan ng barko sa pamamagitan ng pagtawag sa celphone subalit tumanggi ito makipagusap at ipahayag ang kanilang panig sa pangyayari.

Apila at tanong  ng kaanak ng biktima bakit walang paramedic crew ang barko na kasama sa paglalayag gayong 9 na oras umano ang byahe nito sa karagatan na dapat mayroon nitong first aid paramedics crew na sinanay sa ganitong sitwasyon at bakit pinapayagan ng mga konsernadong awtoridad na magkapaglayag ang isang barko na walang paramedics.

Pinuntahan ng Media ang Phil.Coast Guard Commander na si LT.Anatacio Lucky Barba upang makuha ang panig at pahayag nito hinggil sa pangyayari.

Sinabi nito na kanyang aaksyunan kakausapin at makikipagpulong siya sa MARINA,PPA,at sa kumpanya ng Starhorse Shipping Lines kung bakit walang paramedics ang naturang barko habang naglalayag.

Matapos ang ilang araw binalikan ng Media ang Phil Coast Guard kung ano ang resulta ng ginawa nilang pakikipagpulong sa mga ito.

At sinabi umano ng Starhores Shipping Lines na wala namang specific na kailangang ilagay na gamit pang first aid ang MARINA at itinanggi din na wala silang kasama na paramedics crew na taliwas naman sa sinasabi ng pamilya ng namatay na walang tumulong sa kanila na paramedics crew at nagbigay ng first aid sa kanilang ama.

Nangako naman ang Phil Coast Guard na hindi na mauulit pa ang ganitong insidente sa barko at kanilang sisiguraduhin na kumpleto ang ang mga gamit pangangailangan sa first aid at may kasamang paramedics crew ang isang barko bago nila ito payagang magkapagbyahe at makapaglayag sa karagatan.

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

May 2024
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending