by: BONG RIVERA                    

****                       

1–2 minutes

QUEZON-Patay ang isang land developer samantalang sugatan ang babaeng anak nito matapos na ang mga ito ay barilin ng live-in partner ng una sa loob ng kanilang bahay na natatayo sa kanilang pag-aaring sementeryo sa Gumaca, Quezon nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Raynaldo Alberto, 57-anyos, may-ari ng Elas Land Development Inc., at residente ng Elas Memorial Park sa Brgy. Butaguin, Gumaca, Quezon sugatan naman ang anak nito na si Tina Mikaela Alberto, 28 anyos.

Base sa report ng Gumaca PNP, dakong ala 1:55 ng madaling araw nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at 37-anyos na ka-live in nito na si alyas Marycris.

Sa kasagsagan ng pagtatalo, kumuha ng baril si Marycris at binaril sa ulo ang biktima na agad ikinasawi nito.

Pinuntahan din ng suspek ang tinutulugang kuwarto ng anak ng biktima at ilang beses ding pinaputukan.

Matapos barilin ang dalawa, nagbaril din sa ulo ang suspek na agad ding nitong ikinamatay.

Isinugod sa Rakkk Prophet Hospital sa Gumaca ang anak na babae at nilalapatan pa ng lunas.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng kalibre 9mm na baril na ginamit sa krimen.

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

May 2024
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending