by: BONG RIVERA                    

****                       

2 minutes

QUEZON-Dalawa ang patay at isa ang sugatan sa magkasunod na kaso ng pamamaril sa isang gabi lamang sa bayan ng Sariaya kamakalawa ng gabi.

Base sa report ng Sariaya PNP, isang tama sa batok ang agarang ikinasawi ng isang biktimang si Jayson Alzon, 37-anyos, isang vendor, na binaril ng suspek na si Alyas Reymart, habang natutulog sa kanyang bahay sa Sitio Sta Clara, Brgy. Sampaloc 2,bayan ng Sariaya dakong alas 7:30 ng gabi.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos maisagawa ang krimen sa hindi malamang direksyon.

Dead on the spot din ang biktima ng isa pang insidente ng pamamaril na si Emerson Roño, 42-anyos, residente ng Brgy Manggalang 1, Sariaya na pinagbabaril ng hindi nakilalang salarin habang nakatayo sa harap ng tindahan sa Brgy Bignay 2 dakong alas 11:30 ng gabi.

Bigla na lamang dumating ang suspek at niratrat ang biktima at katabi nitong isa ring vendor na si Pryan Buela.

Hindi naman napuruhan si alyas Buela na nagtamo ng mga tama ng ng bala ng baril na kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Mabilis ding tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.

Hanggang sa kasalukuyan.ay blangko pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan sa mga suspek at malaman ang motibo ng pamamaril.

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

May 2024
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.