by: Edjun Mariposque

                ****                           

3–5 minutes

Calamba, Laguna – Sa isang press conference na ginanap sa Calamba City Hall, Calamba City, Laguna sa pangunguna ni Mayor Roseller H. Rizal, Konsehal Maria Kathrina V. Silva at Tourism Head Karla Marcial Boholano, kasama sina ABC President Councilor “Papa P” Dimapilis, Councilor Arvin Manguiat, SK President Rally Bustria, at City Department Head Johnny Pamuspusan, ay inihayag ang mga plano para sa isang buwang selebrasyon ng Founding Anniversary ng lungsod na pinamagatang “Calambagong Buhayani Festival 2024” sa temang “Isang Dekada ng Saya at Parangal sa mga Bayani ng ating Bayan” ay naglalayong ipamalas ang patuloy na pagpapahalaga sa buhay at alaala ng ating Pambansang Bayani, Dr. Jose Rizal.

Inaasahan na magiging mas masigla at makabuluhan ang selebrasyon ngayong taon, na puno ng mga aktibidad na magpapakita ng diwa ng kabayanihan at komunidad sa Calamba City.

Ilan sa Highlight ng Selebrasyon

Hunyo 10: Culinary Delights ng Kusinang Calambeño
Sa Jose Rizal Function Hall, inaasahan ang isang masarap na pagsasalo-salo ng mga putaheng Calambeño na magpapakita ng yaman ng kultura at kasaysayan ng Calamba sa larangan ng pagluluto.

Hunyo 11: Intellectual Showcase ng Talinong Rizal at Art Painting Competition
Gaganapin sa City Mall Calamba Event Hall, ang Talinong Rizal ay magbibigay ng plataporma sa mga lokal na iskolar at intelektwal upang ibahagi ang kanilang kaalaman. Kasabay nito, ang Art Painting Competition sa Jose Rizal Coliseum ay magpapamalas ng husay at talento ng mga lokal na pintor.

Hunyo 12: Paggunita sa Ika-126 Araw ng Kalayaan
Sa Jose Rizal Coliseum Function Hall, ipagdiriwang ang kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng mga programang nagpaparangal sa ating makulay na kasaysayan at mga bayani.

Hunyo 13: Kwentong Bayani
Sa Museo ni Dr. Jose Rizal, magkakaroon ng sesyon kasama sina Mayor Rizal at Vice Mayor Totie Lazaro, na magbabahagi ng mga kuwento ng kabayanihan na nagbibigay inspirasyon sa buong komunidad.

Hunyo 14: Buhayani Job Fair at Calambagong Bayani Awards
Ang Buhayani Job Fair sa SM City Calamba ay magbibigay ng pagkakataon para sa mga naghahanap ng trabaho. Sa Bulwagang Rizal naman, kikilalanin ang mga indibidwal na nagpakita ng pambihirang katapangan at paglilingkod sa komunidad sa Calambagong Bayani Awards 2024.

Hunyo 15 Ang Street dance Showdown sa ika-3 ng hapon sa Jose Rizal Plaza

Hunyo 16 ay ang Sulyap sa Nakaraan (Cultural Night) na gaganapin sa St. John the Baptist Church Patio.



Hunyo 17: Calambagtasan
Isa sa pinakatampok na aktibidad ngayong taon ay ang Calambalagtasan sa Bayan. Sa kauna-unahang pagkakataon, maipapakita ang galing ng mga taga-Calamba sa Balagtasan, isang tradisyunal na anyo ng pagtatalo sa pamamagitan ng tula na ginagawa noong unang panahon pa ng mga Pilipino. Gaganapin ito sa Jose Rizal Coliseum Function Hall, at inaasahang magbibigay-daan upang muling buhayin at pahalagahan ang ating makulay na kultura at kasaysayan.



Grand Finale

Hunyo 19: Calambagong Buhayani Festival Grand Parade
Ang kasiyahan ay magtatapos sa isang engrandeng parada sa Riverview Resort, kasunod ng Float Competition sa Calamba City Plaza. Ipinagdiriwang din sa araw na ito ang ika-163 na kaarawan ni Dr. Jose Rizal sa Museo ni Dr. Jose Rizal.

May mga surpresang mga banda at love team ang ihahandog sa pagdiriwang na ito.

Magkakaroon pa ng pahabol sa Hunyo 30 na tinaguriang “River Run” na sisimulan sa Jose Rizal Plaza tungong Brgy. Lamesa.

Ang mga magaganap na palaro ay malalaki ang papremyong matatanggap ng mga mananalo mula sa P1500 na consultation prize hanggang sa pinakamalaking premyo na P312,500 + Trophy (prizes are subject to 20% withholding tax

Buwan ng Bazaar

Sa buong buwan, ang Bazaar sa Rizal Plaza ay may iba’t ibang produkto para sa mga turista na darayo at sa mga Calambeño. Marami din ang mga pagkain na maaring dayuhin ng mga pamilya, magkakaibigan o nang magsing-irog, na magbibigay ng mas masaya at masiglang karanasan sa pagdiriwang.

Ang “Calambagong Buhayani 2024” ay hindi lamang isang pagdiriwang kundi isang pagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa mga bayani ng Calamba. Inaanyayahan ang lahat na makibahagi at magdiwang sa selebrasyong ito ng kasaysayan, kultura, at kabayanihan.

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.





DATI NANG MAY KASONG DROGA, ARESTADO SA BUY-BUST NG SDEU CALOOCAN

by: RENZ PEDROCHE                 ****   Isang matagumpay na anti-illegal drug buy-bust operation ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan City noong Disyembre 20, 2025, Sabado ng madaling araw bandang alas-2:56, sa Block 51 Lot 36, Casimiro Subdivision, Barangay 168, Caloocan City. Ayon sa ulat, ang operasyon ay pinangunahan ni PLt. Restie F.…

1.3-M HALAGA NG SHABU NASABAT NG QUEZON PULIS

by: BONG RIVERA                     ****                        QUEZON—Aabot sa 1.3 milyon pisong halaga ng shabu ang narekober ng Quezon PNP mula sa isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang search warrant operation sa Sitio Matungao, Barangay Madulao, bayan ng Catanauan. Kinilala ang suspek sa alyas na  Boyet, 40 taong gulang, na naaresto bandang alas-7:40 ng umaga.  Base sa…

Mayor Ross Rizal Brings Clean and Reliable Water to Calambeño Ville 1 After 20 Years of Waiting

**** by: Edjun Mariposque                 ****                            Under the leadership of Calamba City Mayor Roseller “Ross” H. Rizal, residents of Calambeño Ville 1, Barangay Banlic, Calamba City, Laguna received an early Christmas gift as a long-awaited water supply project was officially completed, ending decades of water hardship in the community. The project was made possible through…

ISANG PULIS AT ISANG SUSPEK PATAY AT 2 PANG PULIS SUGATAN SA ENGKWENTRO

by: BONG RIVERA                     ****                        QUEZON—Isang pulis ang nasawi   habang dalawa pang pulis ang sugatan matapos ang isang engkwentro sa pagitan ng Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC) at isang armadong grupo sa Sitio Pulyok, Barangay San Isidro,bayan ng Candelaria, dakong alas-7 ng gabi nitong Biyernes, Disyembre 19. Kinilala  ang nasawi na si Pat Ron Jay…

Mayor Ross Rizal Leads Distribution of Special Development Fund and Incentives to Calamba Barangay Officials

**** by: Edjun Mariposque                 ****                            CALAMBA CITY, Laguna — Under the leadership of Mayor Roseller “Ross” H. Rizal, the City Government of Calamba spearheaded the distribution of the Special Development Fund (SDF) and incentives for all Barangay Officials, held at the Jose Rizal Coliseum. The activity underscored the city government’s continuing commitment to strengthening…

Pangilinan-led Luzon Tollways Steps Up Holiday Traffic Preparations, Offers Free Toll

****                 ****                            Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), concessionaire of NLEX, SCTEX in cooperation with BCDA, NLEX Connector, Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) in cooperation with PRA-PEATC, and Cavite-Laguna Expressway (CALAX), has intensified its holiday traffic and road safety preparations across its Luzon expressway network to ensure a smooth and safe journey for motorists during the Christmas…

Mayor Ross Rizal Leads Day 7 of Pamaskong Handog Distribution Across Calamba

**** by: Edjun Mariposque                 ****                            CALAMBA CITY, Laguna — The City Government of Calamba continued spreading holiday cheer as Mayor Roseller “Ross” H. Rizal personally led the seventh day of the Pamaskong Handog distribution, reaching more families in various barangays across the city. On Day 7, Mayor Rizal personally visited Barangay Kay-Anlog and Barangay…

Mass Shooting at Bondi Beach During Hanukkah Celebration Leaves Dozens Dead and Injured

**** by: Edjun Mariposque                 ****                            Dec. 14, 2025 — A mass shooting at Bondi Beach in Sydney, Australia on Sunday evening targeted a Hanukkah celebration, killing at least 15 people and wounding dozens more in what Australian authorities have described as an antisemitic terrorist attack. The incident occurred at Archer Park beside Bondi Beach…

QUEZON PULIS NAGBIGAY NG MAAGANG PAMASKO SA MGA LOLO AT LOLA SA SINAG KALINGA FOUNDATION

by: BONG RIVERA                     ****                        QUEZON — Maagang  naramdaman ang diwa ng kapaskuhan ng mga lolo at lola na nasa pangangalaga ng Sinag Kalinga Foundation na nakabase sa Brgy. Ayuti sa bayan ng Lucban matapos magsagawa ng gift giving activity ang Quezon Police  Provincial Office (QPPO) sa pamumuno ni Provincial Director PCOL Romulo Albacea nitong mates.…

GSIS Opens Calamba Service Desk at City Hall, Bringing Government Services Closer to Calambeños

**** by: Edjun Mariposque                 ****                            Government service delivery in Calamba City took a major step forward with the official opening of the GSIS Calamba Service Desk at the Calamba City Hall in Calamba City, Laguna. Through the support of the City Government of Calamba, a dedicated space within City Hall was provided to establish…

Over 7,000 Tricycle Drivers Receive “Tulong Gulong” on Second Day of Distribution under Mayor Roseller “Ross” H. Rizal

**** by: Edjun Mariposque                 ****                            Calamba City, Laguna — More than 7,000 Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) members benefited from the city government’s “Tulong Gulong” program on the second day of its distribution, led by Mayor Roseller “Ross” H. Rizal. The initiative aims to provide direct assistance to hardworking tricycle drivers who play…

Mayor Ross Rizal Rolls Out “Tulong Gulong” Program, Aiding 1,770 Tricycle Drivers in Calamba City

**** by: Edjun Mariposque                 ****                            CALAMBA CITY, Laguna — The City Government of Calamba has officially launched the “Tulong Gulong para sa Tricycle Operators & Drivers Assistance (TODA)”, providing much-needed support to the city’s hardworking tricycle drivers, widely regarded as modern-day heroes of the road. Led by Mayor Roseller “Ross” H. Rizal, the initial…

TATLONG LALAKI, ARESTADO SA CARA Y CRUZ AT ILLEGAL NA DROGA SA CALOOCAN

by: RENZ PEDROCHE                 ****   Caloocan City — Arestado ang tatlong lalaki matapos maaktuhan sa paglalaro ng cara y cruz at magresulta sa pagkadiskubre ng iligal na droga sa isinagawang foot patrol ng Congressional Police Sub-Station 9 (SS9), Caloocan City Police Station (CCPS) dakong alas-2:00 ng madaling-araw, Huwebes, Disyembre 11, 2025, sa Northville 2B, Barangay…

PSR-listed CTG Member, Voluntarily Surrendered in Kalinga

****                 ****                            Kalinga – On November 28, 2025, personnel from 11SAB of this Unit together with Pinukpuk Municipal Police Station, National Intelligence Coordinating Agency CAR, other PNP units, and Philippine Army conducted joint counterinsurgency operation through facilitation of voluntary surrender of a.k.a. Damolog/Jaguar, PSR-listed CTG member under Squad Uno, Platun Uno, Regional Guerilla Unit,…

SSS Disburses P18.8 Billion 13th Month Pension to Over 3.6 Million Beneficiaries Nationwide

**** by: Edjun Mariposque                 ****                            Quezon City, Philippines — December 9, 2025 — Millions of Filipino senior citizens received a timely boost this holiday season as the Social Security System (SSS) completed the release of its annual 13th month pension, following the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. and the guidance of Finance…

QUEZON PROVINCIAL POLICE OFFICE NAGLUNSAD NG SARILING GULAYAN

by: BONG RIVERA                     ****                        QUEZON — Bilang tugon sa tumataas na presyo ng pagkain at pangangailangan sa mas matibay na food security, inilunsad ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang sariling “Gulayan sa QPPO” na layong gawing self-sustaining ang kampo at palakasin ang kalusugan at kahandaan ng mga pulis sa panahon ng krisis sa pagkain.…

“Pamaskong Handog 2025” Kicks Off: Mayor Ross Rizal Calls for Unity, Love, and Gratitude This Christmas

**** by: Edjun Mariposque                 ****                            Calamba City, Laguna — December 10, 2025Calamba City officially began the distribution of “Pamaskong Handog 2025” today under the leadership of Mayor Ross Rizal, marking the start of a seven-day citywide rollout covering all 54 barangays. Thousands of Calambeño families are set to receive specially prepared blue bags filled…

Kapitana Joanne De Mesa Leads House-to-House Distribution as Mayor Ross Rizal’s “Pamaskong Handog 2025” Reaches Barangay II

**** by: Edjun Mariposque                 ****                            The spirit of Christmas came alive as the Pamaskong Handog 2025 of Calamba City Mayor Roseller ‘Ross’ H. Rizal officially began its distribution, starting in Barangay II under the proactive leadership of Barangay Captain Joanne Mac De Mesa. On the first day of distribution, Barangay officials, led personally by…

TRUCK NAWALAN NG PRENO  MOTORSIKLO INARARO BAGO NAHULOG SA BANGIN 8 SUGATAN

by: BONG RIVERA                     ****                        QUEZON — Walong tao ang sugatan matapos mawalan ng preno ang isang trak, at araruhin ang kasalubong na motorsiklo,bago tuloy tuloy na nahulog sa bangin sa may bahagi ng Diversion Road, Brgy. Malinao Ilaya, bayan ng Atimonan. Base sa imbestigasyon ng Atimonan PNP paahon  umano na namamaybay ang motorsiklo na sakay…

SANGGOL INABANDONA SA LOOB NG KULUNGAN NG BABOY

by: BONG RIVERA                     ****                        BICOL — Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Calabanga Municipal Police Station matapos madiskubre ang buhay na bagong silang na sanggol na babae sa may  Zone 2, Brgy. Salvacion Baybay, Calabanga, Camarines Sur pasado alas-2:00 ng hapon. Base sa report ng pulisya  rumesponde agad ang mga pulis ng Calabanga police station  matapos…


Contact #: 09171180238

June 2024
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending