by: Edjun Mariposque

                ****                           

2–3 minutes

July 2, 2024 – Napasugod ang mga taga suporta ni Kapitan Sammy Rivera ng Barangay Langgam, San Pedro City, Laguna dahil tinututulan diumano ang ginawa ng Sanggunian na isuspinde ang kanilang Kapitan na walang due process at hindi umano dumaan sa tamang proseso.

Lubos ang suporta ng mga tao, kabilang si Kapitan Jun Ynion na sinabing mismong siya ay nakaranas din ng panggigipit at pagabuso ng mga nakaupo sa San Pedro City.

Naglabas ng pahayag si Atty. Melvin Matibag ukol sa umano’y panggigipit ng kasalukuyang administrasyon ni Mayor Art Mercado laban sa mga kapitan ng barangay. Ayon kay Atty. Matibag, lumalaki ang tensyon sa pagitan ng dalawang kampo: ang grupo ng 14 kapitan na sumusuporta kay Kapitan Jun Ynion at ang 13 kapitan na kaalyado ni Mayor Mercado.


Kung masususpinde nga naman ang isa sa 14 na kapitan sa panig ni Ynion ay siguradong panalo at mababaliktad ang sitwasyon dahil ang papalit sa masususpinde ay ang unang kagawad ng Barangay Langgam na siyang kaalyado diumano ni Mayor Mercado.


“Kapag natanggalan ng isa ang grupo ni Kapitan Jun Ynion, ano ang mangyayari? Saan ka nakakita na ang gusto mong pabotohin sa ABC ay yung walang mandato?” tanong ni Matibag. Binanggit niya ang pangyayari sa Barangay Chrysanthemum kung saan sinuspindi si Kapitan Resty at ang panggigipit umano kay Kapitan Jun Ynion bilang representante ng mga kapitan.

Pansin ni Matibag, nahahati na ang mga mamamayan ng San Pedro, maging sa social media, na nagdudulot ng alitan sa pagitan ng mga pagkakakampi-kampi, magkakamag-anak, at magkakabaranggay, nagtatalo-talo.
Idinagdag pa niya na ang dalawang konsehal na ipinroklama ng COMELEC ay hindi pa rin nakaupo hanggang ngayon dahil hinihintay pa ang desisyon ng Korte Suprema, sa kabila ng kautusan ng COMELEC at DILG.
Nagbabala si Matibag na kung magpapatuloy ang panggigipit, hihilingin na lamang nilang hindi matuloy ang eleksyon at manatili na lamang ang holdover positions. Aniya, ito ay magiging simbolikong laban dahil sa pang-aapi na ginagawa sa mga kapitan.

“Kung kaya nilang gawin sa mga kapitan yan, ano pa kaya sa mga maliliit na tao na walang kakayahang lumaban?” tanong ni Matibag. Sa kabila nito, nagpapasalamat siya dahil nagkakaisa ang mga tao, at sinusuportahan niya sila ng buong puso.


Dagdag pa ni Matibag na kakasuhan niya lahat ng pumirma sa diumano kasulatan ng pagsuspindi kay Kapitan Rivera.


Pinuntahan naman ng pahayagan ng NSTV ang opisina ni Mayor Art Mercado gayun din si Vice Mayor Divina D. Olivarez upang hingin ang kanilang panig ukol sa nangyayaring rally sa harap mismo ng City Hall ng San Pedro ngunit ayon sa gwardya ng kanilang opisina ay nakaalis na.

#Edjun Mariposque

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

July 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending