by: BONG RIVERA                    

****                       

2–3 minutes

QUEZON – ARESTADO ang isang ginang sa isinagawang entrapment operation ng Quezon HPG-PHT sa vicinity ng isang bangko bahagi ng Merchant St.corner Cabana St. Brgy 4, Lucena City kahapon.

Kinilala ni HPG-PHT Prov. Officer PMAJ. Jonathan Victor Olbeña ang dinakip na babae na si Ma. Kathrina Erika P. Salvaleon alyas Kat, nasa hustong edad at residente ng Zone 2 Brgy.Nancamaliran, West Urdaneta City, Pangasinan.

Base sa report ng Quezon HPG tinangay ng ginang ang isang sasakyan na pulang SUV/Hybrid na may plakang NNV-4160 noong July 6, 2024 na pagmamay ari ng isang Indian National na nakilalang si Gulwant Singh na residente ng nabanggit na lugar at secretary nito ang ginang na suspek.

Sa report ng pulisya ibinenta ni Salvaleon ang sasakyan kay Sergio Daleon Reyes na residente ng Brgy.Gulang-Gulang Lucena City sa halagang 900K.

Sa salasay ni Daleon nagbigay muna siya ng paunang bayad na 400K at makalipas ang ilang araw ay saka ang balanse na 500K.

Nag ugat ang pagkakahuli sa suspek na ginang ng magpunta ang bumili na si Daleon sa tanggapan ng Quezon HPG upang epaberipika ang mga dokumento ng sasakyang kanyang nabili.

Dito na natuklasan na alarmado na pala ang SUV na nawawala sa Pangasinan at may blotter sa Urdaneta City Police na ito ay kinarnap at nagkataon naman na may tawag ang Pangasinan HPG-PHT sa Quezon HPG-PHT na may kinarnap na sasakyang SUV sa kanilang lugar.

Dito na nagplano ng isang entrapment operation ang mga pulis at upang mahuli ang nagkarnap na ginang ng sasakyan ay pinatawagan ng Quezon HPG kay Daleon ang ginang na nagbenta sa kanya ng SUV at pinasabi nito na kanya ng babayaran ang balanse niya sa sasakyan at magkita sila sa isang bangko.

Dakong pasado alas 12:00 ng tanghali ng magkita ang bumili ng sasakyan at suspek dala ni Daleon ang pera na nakalagay sa isang sobre na may powder dust at nang magabutan na ng buy bust money ang dalawa ay dito na inaresto ng HPG ang suspek at dinala sa kanilang opisina para maimbestigahan at ikulong.

Sa naging resulta naman ng examination ng Quezon Prov.Crime Lab.ay nagpositibo si Salvaleon sa powder dust at narekober sa kanya ang buy bust money na ginamit ng HPG.

Sinampahan ng Quezon HPG ang ginang ng mga kasong paglabag sa PD 1612 Anti-Fencing Law of 1979 at ART 315 (Estafa) of RPC.

Samantala sa Urdaneta City Police Station ay kanya namang kakaharapin ang kasong Anti-Karnapping Law na isinampa sa kanya ng may ari ng sasakyan na Indian National.

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

July 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending