by: Edjun Mariposque

                ****                           

2–3 minutes



Cavite City, Hulyo 19, 2024 — Dumalaw si Senador Bong Revilla Jr. sa mahigit dalawang daang kabahayan na nasunugan sa Barangay 5 at Barangay 7, at naghatid ng tulong pinansiyal sa 933 pamilyang apektado ng sunog. Bawat pamilya ay nakatanggap ng P20,000 upang makatulong sa kanilang pagbangon mula sa trahedya. Personal din niyang kinamusta ang kalagayan ng mga biktima.

Mainit na pagsalubong ng mga Caviteño sa pagdating ni Sen. Ramon “Bong” Revilla

Ipinahayag ni Senador Revilla ang kanyang pag-asa na makakabangon ang mga apektadong pamilya, “Dalangin nating malampasan ng bawat isa ang pagsubok na ito at makapagbagong simula ang minamahal nating mga Caviteño at Caviteña na nawalan ng mga ari-arian at tahanan dahil sa trahedyang ito.”

Sen. Ramon “Bong” Revilla

Lubos na nagpasalamat si Cavitr City Mayor Denver Chua kina Senador Revilla at Kongresista Jolo Revilla sa kanilang suporta, binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga mapagmalasakit na lider sa panahon ng krisis.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga apektadong residente. Ayon kay Mrs. Analyn, “Kahit kailan, hinding-hindi kami iniiwan ni Senador Revilla. Kahit noon pa, kapag may problema, buong puso siyang bumababa upang kamustahin ang aming kalagayan.”

Mrs. Analyn biktima ng sunog



Binanggit naman ni Barangay Kapitan Archie Joaquin na nagtulong-tulong sila na mula sa iba’t ibang barangay upang magbantay at mag-abot ng tulong sa mga kababayan nila na nasa evacuation area kahit hindi nila kabarangay ang mga nasunugan at patuloy na nakakatanggap ng tulong ang biktima ng sunog mula kay Mayor Chua.

Barangay Kapitan Archie Joaquin

Ang pagtutulungan ng komunidad at ang mahalagang papel ng mga opisyal ng gobyerno sa pagtugon at pagbangon mula sa sakuna ay ipinapakita sa kolaboratibong pagsisikap na ito.

#Edjun Mariposque

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

July 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending