by: Edjun Mariposque

                ****                           

1–2 minutes



Nagpahayag si Senador Bong Go hinggil sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos. Aniya, kailangan niyang sumailalim muna sa stress echo upang matiyak na siya’y physically fit at maipagpatuloy ang kanyang walang tigil na pagseserbisyo sa buong bansa.

Ayon sa senador, marami na rin namang mga kasamahan niya sa SONA at ayaw na niyang makipagsiksikan. Gayunpaman, pinapanood niya ang talumpati ng Pangulo sa telebisyon at binabantayan ang mga pangako ng administrasyon.

Sinusuportahan niya ang magagandang programa at plano ng administrasyon, ngunit mas inaabangan niya ang resulta ng mga ito na dapat makinabang ang mga mahihirap na Pilipino.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Go na mahalaga ang aksyon kasunod ng mga salitang binibitawan sa SONA upang maisakatuparan ang serbisyong naipapangako sa taumbayan. Umaasa siya na bibigyang prayoridad ng administrasyon ang mga programang magpapabuti sa buhay ng mahihirap, lalo na sa pagpapatibay ng sistema ng healthcare at pagpapababa ng inflation.

“Importante na may laman ang tiyan at walang magutom na Pilipino,” ani Go.

#Edjun Mariposque

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

July 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending