by: BONG RIVERA                    

****                       

1–2 minutes



QUEZON-Todas ang mag-asawang sakay sa tricycle  matapos na ang mga ito ay pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin habang papauwi sa kanilang bahay sa Sariaya, Quezon  kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Sariaya PNP ang mga biktima sa mga pangalang Limuel na siyang nagmamaneho ng kanilanmg top down tricycle  at misis nito na si Michelle, 35, parehong tubong Gapan, Nueva Ecija at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Bignay, Sariaya.

Ayon sa report ng PNP, dakong alas 9:00 ng gabi nang pagbabarilin ang mga ito  ng mga hindi nakilalang salarin habang tinatahak ng mga ito ang kahabaan ng highway ng Eco-Tourism road mula sa Brgy. Bignay 1 patungong katabing lugar ng Brgy. Guis-Guis Talon.

Mabilis na tumakas ang mga salarin na sumakay sa hindi matukoy na sasakyan.

Dead on the spot naman ang mag-sasawa matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Naulila ng mga ito ang kanilang dalawang anak na may mga  edad 15 at 11-anyos.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari at hanggang sa kasalukuyan ay bigo pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan sa mga salarin.

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

August 2024
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending