by: BONG RIVERA                    

****                       

2–3 minutes



RIZAL-Dinukot umano ng  tatlo o higit pa ng mga hindi nakilalang kalalakihan na sakay ng isang   van ang isang lalaki at babae na  mag-live in partner noong kamakalawa ng madaling araw sa Cainta, Rizal.

Kinilala ang mga biktima na sina Ronnie Ignacio, 33 -anyos, at live in partner nito na si Mary Grace Frondozo, parehong residente ng   Robinsons Homes, Brgy. San Jose, Antipolo City.

Ayon sa report ng Cainta PNP, nakita ang abandonadong sasakyan ng mga ito na isang Nissan Juke SUV sa harap ng Rublou Business Center, Barangay Sto. Domingo, Cainta.

Kinumpirma ng ama ng  biktimang babae na nawawala ang dalawa simula pa noong   Lunes ng madaling araw.

Ayon sa ama, bandang alas 4:00 ng magtext sa kanya ang anak na pauwi  na sila sa  bahay at nagtanong pa ito kung ano ang pagkaing gustong ipasalubong ng mga ito  sa kanya.

Subalit iyon ang huling komunikasyon sa dalawa at hindi na uli nakontak ang mga ito hanggang sa ngayon.

Nang maireport ang insidente noong Lunes ng tanghali, agad nagsagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Cainta PNP.

Base sa mga nakalap na kuha sa CCTV mula sa Municipal Protection Security Office (MPSO) sa  Brgy. Sto. Domingo at iba pang mga kalapit na establisyemento, nakitang sapilitang isinakay ng mga suspek ang dalawa sa   isang kulay puting  Mitsubishi L300 FB na walang plaka.

Nagsagawa pa ang mga awtoridad ng follow up operation at backtracking at  forward tracking sa mga kuha ng CCTV sa posibleng dinaan  ng van subalit sa kasamaang palad ay hindi gumagana ang maraming  CCTV partikular sa kahaban ng Imelda Avenue dahil sa pagkapinsala dulot ng nakaraang  pagbaha sa lugar.

Patuloy pa ang follow up operation ng mga awtoridad para sa ikalulutas ng pangyayari.

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

August 2024
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending