by: BONG RIVERA                    

****                       

1–2 minutes

QUEZON – Nasa 4 na miyong piso ng iligal na droga ang nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng San Antonio PNP, Quezon PPO PDEU, at PDEA 4-A sa isinagawang drug buy bust operation sa isang High Value Individual sa may Sitio Lasig, Brgy. Arawan bayan ng San Antonio kamakalawa ng gabi.

Base sa report ni Quezon Prov.Director PCOL Ledon Monte dakong alas 6:45 ng gabi ng magsagawa ng buy bust ang mga awtoridad na nagresulta ng pagkakadakip kay Jherome Hidalgo 25 anyos at residente ng Brgy. Pulo, nabanggit na bayan.

Nakuha sa posesyon nito ang sampung piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman at tumitimbang ng 200 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P4,080,000.00 street value.

Ayon pa kay Monte isa ang suspek na nasa listahan ng PDEA at PNP na patuloy na nagbebenta ng iligal na droga sa lalawigan ng Quezon na natuldukan na nila ang iligal na gawain nito dahil sa pagkakahuli dito.

Kasalukuyang nakakulong si Hidalgo at sinampahan na ito ng kasong paglabag na SEC 5 at SEC 11 ng RA 9165 Comprehensive of Dangerous Drug Act of 2002, walang inerekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng naturang suspek.

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

August 2024
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending