****                           

2–3 minutes

Nito lamang August 9, 2024, isang babaeng biktima ang nagtungo sa tanggapan ng Tanay Municipal Police Station upang ireport ang isang suspek na motorcycle taxi rider na base sa kanyang salaysay na tumangay ng kanyang mga gamit sa kahabaan ng MARILAQUE Highway Tanay, Rizal.

Ayon sa report, ang suspek ay nakilala ng biktima sa online site na kung saan ay niyaya niya itong mag road trip sa nasabing lugar noong August 8, 2024 bandang 6:00 ng gabi.
Kaugnay nito, sinundo ng suspek ang biktima sa Quezon City at inalok na magmaneho ng motorsiklo habang sinasabihan na ilagay ang gamit sa U-box compartment ng motorsiklo na agad namang sinunod ng biktima.

Gayundin, nang makarating sa kahabaan ng MARILAQUE Highway Tanay, Rizal bandang 12:00 ng hating gabi ng August 9, 2024 ay nakipagpalitan ang suspek sa biktima na magmaneho ulit ng kanyang motorsiklo kung saan dito ay nagkaroon na ng pagkakataon ang suspek na iwanan ang bitkima at itakas ang mga mahahalagang gamit nito.

Dahil sa insidenteng iyon, agad na nagreport ang biktima sa Tanay Municipal Police Station at agad ding nagsagawa ng dragnet operation ang mga otoridad na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto ng suspek na kinilalang si Alyas Gelo, lalaki, 21-taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa Pasig City.

Samantala, kasalukuyang nakakulong sa Tanay Custodial Facility ang suspek na nahaharap sa kasong Theft at Disobedience and Resistance to an Agent of Person in Authority ang suspek matapos naman nitong magtangkang tumakas at lumaban sa mga otoridad habang isinasagawa ang nasabing operasyon.

Muli namang pinaaalalahanan ng Rizal PNP ang publiko sa mga ganitong klase ng modus na mag-ingat lalong lalo na sa mga byahero na gumagamit ng motorsiklo bilang alternatibong transportasyon, pinalalahanan din ng kapulisan ang lahat ng kababaihan na huwag basta basta magtitiwala at sumama sa hindi gaanong kakilala upang maiwasan ang mga ganitong insidente.

#Edjun Mariposque

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

August 2024
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending