by: Edjun Mariposque

                ****                           

1–2 minutes



Iniulat ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division, Philippine Army, na nagpapatuloy ang kanilang mga lokal na inisyatiba para sa kapayapaan, mula sa antas-barangay, upang mapanatili ang katahimikan at maiwasan ang insurhensiya sa rehiyon. Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas noong Agosto 13, na idinaos sa Camp General Mateo Capinpin sa Tanay, Rizal, ibinahagi nina 201st Infantry “Kabalikat” Brigade Commander BGEN Erwin Alea at 202nd Infantry “Unifier” Brigade Commander BGEN Cerilo Balaoro Jr. ang kanilang mga matagumpay na programa.

PIA Regional Director Ma. Cristina Arzadon



Kabilang sa mga pangunahing tagumpay ng 2nd Infantry Division ang:

– Paghahanda ng 202nd Brigade para sa turnover sa Philippine National Police (PNP) ng pamumuno sa peace and security operations sa CALABARZON, bunga ng pagbaba ng banta ng insurhensiya.
– Pagkakaloob ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) status sa 12 bayan sa Rizal, at 13 bayan sa Laguna at Cavite, na nagpapakita ng tagumpay sa pagpapanatili ng kapayapaan.
– Patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga barangay upang ipaalam ang sitwasyon ng kapayapaan at mapalakas ang kanilang kakayahan sa proteksyon ng komunidad.
– Pagsasagawa ng mga programa ng E-CLIP para sa mga dating rebelde upang sila’y makabalik-loob sa lipunan.
– Pagpapatuloy ng information campaigns sa mga kabataan sa mga paaralan laban sa recruitment ng CPP-NPA-NDF.

Ang mga hakbang na ito ay nagpapatibay sa seguridad ng rehiyon at nagbibigay ng suporta sa mga programang pangkaunlaran, na naglalayong makamit ang mas ligtas at mapayapang komunidad para sa Bagong Pilipinas.

#EdjunMariposque

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

August 2024
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending