by: BONG RIVERA                    

****                       

3–4 minutes



RIZAL-Nasawi ang mag-asawa samantalang sugatan ang isang anak na lalaki matapos na sila ay bigla na lamang atakehin ng kanilang isa pang anak na lalaki na nakakaranas ng sakit na  depresssion,pinagtataga ang ama at sinakal ang ina sa loob ng kanilang bahay sa may Sitio Batangas,Brgy.San Andres Tanay,Rizal kamakalawa ng gabi.

Base sa panayam sa celphone sa hepe ng Tanay PNP na si PLTCOL Norman Cas-Oy sinabi nito na nasa loob ng kanilang bahay ang maganak sa Sitio Batangas,dakong alas 9:30 ng gabi, nang bigla na lamang magalit ang suspek sa hindi pa mabatid na kadahilanan.

Una nitong sinugod ang kanyang ina na si Melba Catapang 67 anyos at sinakal bago kumuha ng itak at pinagtataga at sinaksak naman ng ilang beses ang kanyang tatay na si Marcos Catapang 69 anyos.

Tinangkang umawat ng nakababatang kapatid na lalaki na si Christian Catapang 29 anyos subalit tinaga rin ito ng suspek na nagtamo ng mga sugat sa katawan subalit nagawa nitong makatakbo palabas ng bahay at humingi ng tulong sa iba pang kaanak.

Agad tumawag ang mga ito ng mga pulis, subalit wala ng buhay ng madatnan ang tatlo ng mga awtoridad.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nakita na nakalutang na sa kanilang  swimming pool ang nanay na wala ng buhay na posibleng inihulog ng suspek matapos na mapatay.

Nakahandusay naman sa sahig ng bahay ang tatay na naliligo sa sariling dugo at tadtad ng tama ng taga at saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Natagpuan ding wala ng buhay ang suspek na si Marbel Catapang dahil nagpakamatay at nagbigti umano ito gamit ang isang nylon chord at nakabitin sa kisame ng bahay.

Labis ang paghihinagpis ng kapatid at kaanak ng pamilya na ayon dito bagama’t matagal ng nakakaranas ng sakit na depression ang suspek ay hindi naman nila akalain na hahantong sa malagim na trahedya ang pangyayari ng dahil sa karamdaman nito  sumasailalim naman daw ito sa medikasyon.

#BongRivera

#EdjunMariposque

DREAMSTAR TV

🏥 PANHERO ANG TAMANG LANDAS DRUG REHABILITATION AND TREATMENT CENTER 🏥

DOH Accredited: 4A-003-2325-DR-2
📍 Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. Lumil, Silang, Cavite

At the Panhero Tamang Landas Rehabilitation Center, we are not just a rehabilitation center. In addition to prioritizing improvement and recovery, we also emphasize the value of education. We are now offering ALS and TESDA short courses for our patients to pursue, whether they are currently at the center or after completing their required stay for recovery.

TOP REHABILITATION FACILITY
🏆 Gintong Parangal
🏆 Philippines Golden Eagle Awards
🏆 Asian Top Choice Awards

HIGHLIGHTS
✅ Air-conditioned Facility
✅ Admin Room
✅ Comfortable Bedrooms with 4 patients maximum per roof
✅ Clinic and Pharmacy
✅ Family Room for Engagements and Life Coaching

SERVICES
✔️ Individual Counseling Sessions
✔️ Group Therapy Sessions
✔️ Medication Assisted Treatment
(Manage withdrawal symptoms and reduce cravings)
✔️ Medical Exams and Laboratories (Complete package)
A. Physical Examination
B. X-ray, ECG, VDRL etc.
C. Drug Test
D. Drug Dependency Exam
✔️ Psychiatric and Psychological Evaluation
✔️ Family Therapy Sessions
✔️ Life Skills Training
✔️ Recreational Activities
✔️ Spiritual Program
✔️ Alternative Learning System (ALS) DEPED
✔️ Skills Training (TESDA Certificate)
✔️ Aftercare Program

24/7 CARE ASSISTANCE
🏥 Mental Care Treatment with Licensed/Accredited Professionals
🏥 Dental Care
🏥 Laboratory & Diagnostic Care
🏥 Pharmaceutical Care

AMENITIES & OTHER ACTIVITIES
🍿 Movie
👯 Zumba Session
🎹 Piano
🏋🏻‍♂️ Gym and Physical Fitness Equipment
🎱 Billiard and Pool table
🏓 Table Tennis Table
🏀 Basketball Court
🏐 Volleyball
🏸 Badminton
♟️ Board games
🎸 Drums and Guitars
🌿 Gardening

PAYMENTS
💳 Credit cards
💳 Grab Pay QR Code
💳 BDO Pay
💳 GCash
💳 Alipay
💳 Maya

CALL TO CONTACT
☎️ PLDT: (046) 889-8978
☎️ SMART: (0999) 990-9096
☎️ GLOBE: (0917) 539-8883

Start your recovery with us TODAY!






Contact #: 09171180238

September 2024
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending