by: BONG RIVERA                    

****                       

3–4 minutes



QUEZON-Patay ang isang lalaki  matapos na ito ay matabunan ng gumuhong lupa sa quarry site sa bayan ng Tagkawayan, nitong nakaraang Sabado.

Kinilala ang biktima na si Ramil Garing Hernandez, 48-anyos, residente ng  Brgy. Mapulot at anak ng may-ari ng lupa na quarry site.

Base sa report ng Tagkawayan PNP na pinamumunuan ni PMAJ Erick Veluz nitong lunes lamang napareport sa pulisya ang pangyayari sa insidente ng natabunan ng lupa noong sabado dakong alas 10:00 ng umaga kasama ang kapatid nito at isa pang  kaanak.

Nakatayo ang mga ito sa gilid ng tinitibag na bundok ng isang backhoe sa Sityo Labak, Barangay Mapulot, nang biglang gumuho ang lupa na nasa  humigit kumulang 30 talampakan ang taas at natabunan ng buhay ang tatlong biktima.

Agad nirescue ang tatlong natabunan ng lupa at bato ng kanilang mga kasama at makaraang ang nasa 20 minuto ay nahukay ang mga ito at isinugod sa ospital subalit idineklara dead on arrival ng doktor si Ramil Hernandez,samantalang
nagtamo lamang ng minor injury at nasugatan ang dalawang kasama nito na nakaligtas.

Ayon kay PMAJ Erick Veluz, hepe ng Tagkawayan police, halos wala pang dalawang linggo na nag-ooperate ng quarry site ang may ari ng lupa.

Ayon naman sa may-ari ng lupa ay under process pa ang kanilang inaa-apply na quarrying permit sa DENR dahil dito ay walang itong maipakita na kaukulang permit sa mga awtoridad sa kanilang quarry site.

Matatandaang nito lamang nakaraang buwan, nagpalabas ng Moratorium si  Quezon Governor Angelina “Helen” Tan sa lahat ng quarry operation sa buong lalawigan ng pagbabawal at magpapatigil ng mga operasyon ng mga quarry ,subalit sa kabila ng ginagawang paghihigpit at pagmomonitor ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB)na sangay ng Provincial Government sa ipinatutupad na Moratorium sa mga quarry sa buong probinsya ay nagagawa pang makalusot at magoperate ang iligal quarry sa bayan ng Tagkawayan. 

Iniimbestigahan na ng mga pulis at mga tauhan ng DENR- Municipal Environmetal Office (MENRO) ang insidente.

Nilinaw naman ng Tagkawayan PNP Maj Veluz na walang kaugnayan sa bagyong Pepito ang pagguho ng lupa dahil naganap na ang insidente isang araw bago pa mag land fall sa kalupaan ng Quezon si bagyong Pepito.

#BongRivera

#EdjunMariposque

DREAMSTAR TV

🏥 PANHERO ANG TAMANG LANDAS DRUG REHABILITATION AND TREATMENT CENTER 🏥

DOH Accredited: 4A-003-2325-DR-2
📍 Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. Lumil, Silang, Cavite

At the Panhero Tamang Landas Rehabilitation Center, we are not just a rehabilitation center. In addition to prioritizing improvement and recovery, we also emphasize the value of education. We are now offering ALS and TESDA short courses for our patients to pursue, whether they are currently at the center or after completing their required stay for recovery.

TOP REHABILITATION FACILITY
🏆 Gintong Parangal
🏆 Philippines Golden Eagle Awards
🏆 Asian Top Choice Awards

HIGHLIGHTS
✅ Air-conditioned Facility
✅ Admin Room
✅ Comfortable Bedrooms with 4 patients maximum per roof
✅ Clinic and Pharmacy
✅ Family Room for Engagements and Life Coaching

SERVICES
✔️ Individual Counseling Sessions
✔️ Group Therapy Sessions
✔️ Medication Assisted Treatment
(Manage withdrawal symptoms and reduce cravings)
✔️ Medical Exams and Laboratories (Complete package)
A. Physical Examination
B. X-ray, ECG, VDRL etc.
C. Drug Test
D. Drug Dependency Exam
✔️ Psychiatric and Psychological Evaluation
✔️ Family Therapy Sessions
✔️ Life Skills Training
✔️ Recreational Activities
✔️ Spiritual Program
✔️ Alternative Learning System (ALS) DEPED
✔️ Skills Training (TESDA Certificate)
✔️ Aftercare Program

24/7 CARE ASSISTANCE
🏥 Mental Care Treatment with Licensed/Accredited Professionals
🏥 Dental Care
🏥 Laboratory & Diagnostic Care
🏥 Pharmaceutical Care

AMENITIES & OTHER ACTIVITIES
🍿 Movie
👯 Zumba Session
🎹 Piano
🏋🏻‍♂️ Gym and Physical Fitness Equipment
🎱 Billiard and Pool table
🏓 Table Tennis Table
🏀 Basketball Court
🏐 Volleyball
🏸 Badminton
♟️ Board games
🎸 Drums and Guitars
🌿 Gardening

PAYMENTS
💳 Credit cards
💳 Grab Pay QR Code
💳 BDO Pay
💳 GCash
💳 Alipay
💳 Maya

CALL TO CONTACT
☎️ PLDT: (046) 889-8978
☎️ SMART: (0999) 990-9096
☎️ GLOBE: (0917) 539-8883

Start your recovery with us TODAY!






Contact #: 09171180238

November 2024
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending