by: BONG RIVERA                    

****                       

3–4 minutes

LAGUNA — Sariling version ng 911 emergency response system ang inilatag ni Laguna Governor Sol Aragones bilang isa sa pinakamalaking anunsyo sa kanyang kauna-unahang State of the Province Address o SOPA nitong Lunes, kasabay ng paglatag ng mga programa ng kanyang administrasyon sa unang taon ng panunungkulan.

Ayon sa gobernador, ilulunsad sa Oktubre ang programang Ambulance on the Go na magiging bahagi ng itatayong Laguna Command Center upang mapabilis ang pagresponde sa mga emergency, kalamidad at iba pang insidente sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Sinabi ni Aragones na layunin ng bagong sistema na mas mapabilis ang pagdadala ng mga pasyente sa ospital sa oras ng pangangailangan at mapalakas ang koordinasyon ng mga responder sa buong Laguna.

Sa kanyang ulat, binigyang-diin din ng gobernador ang pagpapalawak ng mga serbisyong pangkalusugan, kabilang ang pag-upgrade ng mga pampublikong ospital, Mega Clinic, chemotherapy center, dialysis center, eye center at iba pang libreng serbisyong medikal para sa mga residente.

Inihayag din niyang madaragdagan pa ang mga gamot na ipagkakaloob sa ilalim ng Botika ni Gob at sisimulan na rin ang programang Klinika ni Gob na magdadala ng serbisyong medikal sa mga komunidad sa panahon ng People’s Day.

Sa sektor ng edukasyon, sinabi ni Aragones na mahigit 100 bagong silid-aralan ang ipatatayo ng pamahalaang panlalawigan habang isusulong din ang mga reporma sa Laguna University.

Ayon pa sa kanya, nasa pitong libong estudyante ng Laguna University ang inaasahang makikinabang sa libreng pag-aaral sa ilalim ng mga programang pang-edukasyon ng lalawigan.

Ipinahayag din ng gobernador ang pagpapalawak ng mga programang pangkabuhayan para sa mga kababaihan, magsasaka, mangingisda at iba pang sektor, kabilang ang pagsasanay na may kasamang panimulang puhunan para sa mga benepisyaryo.

Kasama rin sa mga inihayag ang pagpapatayo ng Laguna Pasalubong Center, pagpapaunlad ng mga proyektong panturismo, rehabilitasyon ng mga kalsadang patungo sa mga tourist destination at iba pang programang pangkalikasan.

Naglaan din ng bahagi ng kanyang talumpati ang gobernador upang pasalamatan ang mga alkalde, bise alkalde, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga kawani ng pamahalaan at iba pang sumuporta sa kanyang mga programa sa nakalipas na isang taon.

Dinaluhan ng tinatayang pitong libong katao ang kauna-unahang SOPA ni Governor Aragones sa Laguna Provincial Government Sports Complex sa Barangay Bubukal, Sta. Cruz, kung saan nagtapos ang kanyang talumpati sa panawagang ipagpatuloy ang aniya’y paghahatid ng mga programang magbibigay ng mas mabilis na serbisyo at kaunlaran sa mga taga-Laguna.

#BongRivera

#EdjunMariposque

DREAMSTAR TV

🏥 PANHERO ANG TAMANG LANDAS DRUG REHABILITATION AND TREATMENT CENTER 🏥

DOH Accredited: 4A-003-2325-DR-2
📍 Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. Lumil, Silang, Cavite

At the Panhero Tamang Landas Rehabilitation Center, we are not just a rehabilitation center. In addition to prioritizing improvement and recovery, we also emphasize the value of education. We are now offering ALS and TESDA short courses for our patients to pursue, whether they are currently at the center or after completing their required stay for recovery.

TOP REHABILITATION FACILITY
🏆 Gintong Parangal
🏆 Philippines Golden Eagle Awards
🏆 Asian Top Choice Awards

HIGHLIGHTS
✅ Air-conditioned Facility
✅ Admin Room
✅ Comfortable Bedrooms with 4 patients maximum per roof
✅ Clinic and Pharmacy
✅ Family Room for Engagements and Life Coaching

SERVICES
✔️ Individual Counseling Sessions
✔️ Group Therapy Sessions
✔️ Medication Assisted Treatment
(Manage withdrawal symptoms and reduce cravings)
✔️ Medical Exams and Laboratories (Complete package)
A. Physical Examination
B. X-ray, ECG, VDRL etc.
C. Drug Test
D. Drug Dependency Exam
✔️ Psychiatric and Psychological Evaluation
✔️ Family Therapy Sessions
✔️ Life Skills Training
✔️ Recreational Activities
✔️ Spiritual Program
✔️ Alternative Learning System (ALS) DEPED
✔️ Skills Training (TESDA Certificate)
✔️ Aftercare Program

24/7 CARE ASSISTANCE
🏥 Mental Care Treatment with Licensed/Accredited Professionals
🏥 Dental Care
🏥 Laboratory & Diagnostic Care
🏥 Pharmaceutical Care

AMENITIES & OTHER ACTIVITIES
🍿 Movie
👯 Zumba Session
🎹 Piano
🏋🏻‍♂️ Gym and Physical Fitness Equipment
🎱 Billiard and Pool table
🏓 Table Tennis Table
🏀 Basketball Court
🏐 Volleyball
🏸 Badminton
♟️ Board games
🎸 Drums and Guitars
🌿 Gardening

PAYMENTS
💳 Credit cards
💳 Grab Pay QR Code
💳 BDO Pay
💳 GCash
💳 Alipay
💳 Maya

CALL TO CONTACT
☎️ PLDT: (046) 889-8978
☎️ SMART: (0999) 990-9096
☎️ GLOBE: (0917) 539-8883

Start your recovery with us TODAY!






Contact #: 09171180238

July 2026
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending