by: BONG RIVERA                    

****                       

3–4 minutes

QUEZON — Pansamantalang sinibak sa kanilang mga puwesto ang walong pulis na nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Lucena City Police Station matapos kuwestiyunin ang isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Cotta,Lucena City nitong nakaraang Oktubre 30, 2026.

Naganap ang drug buy-bust operation sa Purok Buklod Pagkakaisa, Barangay Cotta, kung saan inaresto ang isang 50-anyos na babae.

Ayon sa report ng pulisya nakumpiska sa operasyon ang mahigit limang gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 100,000.00 pesos.

Gayunman, kinuwestiyon ng nagrereklamo ang bersyon ng mga pulis at iginiit na walang lehitimong buy-bust operation na naganap.

Inakusahan din ang mga pulis operatiba ng umano’y pagkumpiska ng iba pang personal na gamit ng suspek na hindi kabilang sa mga ebidensyang may kaugnayan sa drug operation.

Kaagad na ipinagutos ni Quezon Provincial Director PCOL Romulo A Albacea ang pansamantalang pagsibak sa assignment ng walong pulis habang isinasagawa imbestigasyon sa mga alegasyon ng iregularidad sa nasabing drug buy bust operation kaugnay nito ay inilipat at inilagay ang mga sangkot na pulis sa Provincial Holding and Accounting Section (PHAS) ng Quezon PPO habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.

Kaagad nagsagawa ng kaukulang hakbang ang QPPO matapos matanggap ang report na reklamo upang matukoy ang mga totoong pangyayari at matiyak ang masusi,patas at walang kinikilingang imbestigasyon at nakipagugnayan din ang QPPO sa NAPOLCOM Regional Office  lV-4A sa pamumuno ni Commisioner Atty.Owen De Luna sa kasalukuyang isinasagawang Validation Process at sa magkahiwalay na imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at ang posibleng pagkakasangkot ng mga tauhan ng Lucena PNP DEU kung may naganap na paglabag sa mga umiiral na patakaran at pamamaraan ng Philipine National Police.

Layunin ng imbestigasyon na alamin kung nasunod ang mga itinakdang proseso sa pagsasagawa ng buy-bust operation at kung may sapat na batayan ang mga reklamong inihain laban sa mga pulis.

Mahalagang linawin na ang pansamantalang pag-alis sa puwesto ay hindi nangangahulugang tuluyan nang tinanggal sa serbisyo ang mga pulis o napatunayan na ang kanilang pagkakasala.

Wala pang inilalabas na pinal na resulta ng imbestigasyon o desisyong nagpapatunay sa mga alegasyon laban sa walong pulis.

Inaasahang magiging mahalaga ang resulta ng imbestigasyon sa pagtukoy ng posibleng pananagutan ng mga sangkot at sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko sa mga operasyon ng kapulisan laban sa ilegal na droga.

#BongRivera

#EdjunMariposque

DREAMSTAR TV

🏥 PANHERO ANG TAMANG LANDAS DRUG REHABILITATION AND TREATMENT CENTER 🏥

DOH Accredited: 4A-003-2325-DR-2
📍 Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. Lumil, Silang, Cavite

At the Panhero Tamang Landas Rehabilitation Center, we are not just a rehabilitation center. In addition to prioritizing improvement and recovery, we also emphasize the value of education. We are now offering ALS and TESDA short courses for our patients to pursue, whether they are currently at the center or after completing their required stay for recovery.

TOP REHABILITATION FACILITY
🏆 Gintong Parangal
🏆 Philippines Golden Eagle Awards
🏆 Asian Top Choice Awards

HIGHLIGHTS
✅ Air-conditioned Facility
✅ Admin Room
✅ Comfortable Bedrooms with 4 patients maximum per roof
✅ Clinic and Pharmacy
✅ Family Room for Engagements and Life Coaching

SERVICES
✔️ Individual Counseling Sessions
✔️ Group Therapy Sessions
✔️ Medication Assisted Treatment
(Manage withdrawal symptoms and reduce cravings)
✔️ Medical Exams and Laboratories (Complete package)
A. Physical Examination
B. X-ray, ECG, VDRL etc.
C. Drug Test
D. Drug Dependency Exam
✔️ Psychiatric and Psychological Evaluation
✔️ Family Therapy Sessions
✔️ Life Skills Training
✔️ Recreational Activities
✔️ Spiritual Program
✔️ Alternative Learning System (ALS) DEPED
✔️ Skills Training (TESDA Certificate)
✔️ Aftercare Program

24/7 CARE ASSISTANCE
🏥 Mental Care Treatment with Licensed/Accredited Professionals
🏥 Dental Care
🏥 Laboratory & Diagnostic Care
🏥 Pharmaceutical Care

AMENITIES & OTHER ACTIVITIES
🍿 Movie
👯 Zumba Session
🎹 Piano
🏋🏻‍♂️ Gym and Physical Fitness Equipment
🎱 Billiard and Pool table
🏓 Table Tennis Table
🏀 Basketball Court
🏐 Volleyball
🏸 Badminton
♟️ Board games
🎸 Drums and Guitars
🌿 Gardening

PAYMENTS
💳 Credit cards
💳 Grab Pay QR Code
💳 BDO Pay
💳 GCash
💳 Alipay
💳 Maya

CALL TO CONTACT
☎️ PLDT: (046) 889-8978
☎️ SMART: (0999) 990-9096
☎️ GLOBE: (0917) 539-8883

Start your recovery with us TODAY!






Contact #: 09171180238

November 2026
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a Reply

Trending