KAMPO HEN.PACIANO RIZAL- Ipinaabot ang pag-uulat ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G Silvio, kay CALABARZON Regional Police Brigadier General Jose Melencio C Nartatez Jr, ang pagkakaaresto sa dalwangput-limang (25) na akusado sa loob na isang (1) araw na “Warrant Day” ng Laguna PNP, kahapon Oktubre 6, 2022.
Ang Warrant Day ng Laguna PNP ay matagumpay na naipapatupad sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula sa aktibong suporta ng komunidad at Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ito.
Sa kabuuan, ikinasa ang 25 operasyon ng Warrant of Arrest ang buong pwersa ng Laguna PNP, na nag resulta nga sa pagkakadakip sa isang (1) Regional Level most wanted person at dalwangput-apat (24) pang ibang akusado. Ang siyam (9) dito ay Most Wanted person habang ang labing-anim (16) naman ay other wanted person.
Kinilala ni PCol. Silvio ang isa sa mga naaresto na napabilang sa Regional Level Most Wanted Person na si Jayson Doliente residente ng Santa Maria, Laguna. Timbog din ang akusado na si Jayson sa ikinasang joint Manhunt Operation ng Santa Maria MPS at 402nd MC RMFB4A ganap na 7:00 ng umaga Oktubre 6, 2022 sa Brgy. Poblacion II, Santa Maria, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Hon. Sheila Marie A Ignacio, Presiding Judge, RTC Branch 80, Morong, Rizal para sa kasong pagpatay .
Arestado din ang akusadong si Alvin Catimbang sa magka-hiwalay na operasyon ng Sta Maria Municipal Police at 402nd MC RMFB4A ganap na 7:30 ng umaga Oktubre 6, 2022 sa Brgy. Poblacion II, Santa Maria, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Hon. Sheila Marie A Ignacio, Presiding Judge, RTC Branch 80, Morong, Rizal para sa kasong murder .
Sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang pagkahuli ng mga akusadong ito ay naging matagumpay dahil sa pagtutulungan ng mamamayan ng Laguna at kapulisan. Sa pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan sa ating mga himpilan ay mabilis na nadakip ang mga akusado na nagtatago dito sa Lalawigan ng Laguna.
Kaya nagpapasalamat po kami sa mga taga Lalawigan ng Laguna sa patuloy na pakikipagtulungan sa ating mga kapulisan”.(LPPO-PIO/KEVIN PAMATMAT)
- Workers File Complaints vs. 16 Dasmariñas Police Officers Over Alleged Unlawful Arrest
- PULIS QUEZON PINARANGALAN NG REGIONAL HEADQUARTERS SA PNP DAY CELEBRATION 2026
- PDEA, PNP DRUG BUST, EIGHT SUSPECTS ARRESTED
- SUSPEK SA PAGPASLANG SA MAKE-UP ARTIST NAARESTO NA
- EVICTION ORDER NG KORTE LABAN SA ISANG BRGY. CHAIRMAN NAUWI SA KAGULUHAN AT KOMOSYON
- Private Citizen Turns Over ₱312K Worth of Marijuana Products to PDEA Laguna
- Cayetano: Laguna is a province of potential
- Tatlong Lalaki, Arestado sa Cara y Cruz at Pagkakasangkot sa Ilegal na Droga sa Caloocan
- Public Funds at Work: Mayor Ross Rizal Inspects Ongoing Infrastructure Projects in Calamba
- 5,000 Calambeños Empowered as Mayor Ross Rizal Expands “Kabuhayan ni Rizal” Livelihood Program
- FC Home Center Opens Second Branch in Calamba, Boosting Jobs and Shopping Choices
- OPERASYON NG ILIGAL NA PAIHI NG KRUDO AT GASOLINA SINALAKAY 12 ARESTADO
- Enchanted Kingdom, Two Other Filipino Firms Bring Home Top Honors at ASEAN Tourism Awards 2026
- SEGURIDAD KONTRA BANK ROBBERY AT CYBERCRIME, PINAIGTING SA QUEZON
- SARIAYA FIBER UNIT, PINALALAKAS PARA SA TRABAHO AT KABUHAYAN
- BARANGAY KAGAWAD UTAS SA BUS
- Two Drug Suspects Nabbed in Calamba Buy-Bust, ₱40.8K Worth of Shabu and Firearm Seized
- Dalawang Lalaki, Arestado sa Follow-Up Operation Kaugnay ng Robbery at Ilegal na Droga sa Caloocan City
- Lalaki sa Caloocan, Kinasuhan sa Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act Matapos Makumpiska ang Laboratory Equipment at Kemikal
- ESTUDYANTE DEDO SA PANANAKSAK NG KAPWA ESTUDYANTE
























Leave a comment