KAMPO HEN.PACIANO RIZAL- Ipinaabot ang pag-uulat ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G Silvio, kay CALABARZON Regional Police Brigadier General Jose Melencio C Nartatez Jr, ang pagkakaaresto sa dalwangput-limang (25) na akusado sa loob na isang (1) araw na “Warrant Day” ng Laguna PNP, kahapon Oktubre 6, 2022.
Ang Warrant Day ng Laguna PNP ay matagumpay na naipapatupad sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula sa aktibong suporta ng komunidad at Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ito.
Sa kabuuan, ikinasa ang 25 operasyon ng Warrant of Arrest ang buong pwersa ng Laguna PNP, na nag resulta nga sa pagkakadakip sa isang (1) Regional Level most wanted person at dalwangput-apat (24) pang ibang akusado. Ang siyam (9) dito ay Most Wanted person habang ang labing-anim (16) naman ay other wanted person.
Kinilala ni PCol. Silvio ang isa sa mga naaresto na napabilang sa Regional Level Most Wanted Person na si Jayson Doliente residente ng Santa Maria, Laguna. Timbog din ang akusado na si Jayson sa ikinasang joint Manhunt Operation ng Santa Maria MPS at 402nd MC RMFB4A ganap na 7:00 ng umaga Oktubre 6, 2022 sa Brgy. Poblacion II, Santa Maria, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Hon. Sheila Marie A Ignacio, Presiding Judge, RTC Branch 80, Morong, Rizal para sa kasong pagpatay .
Arestado din ang akusadong si Alvin Catimbang sa magka-hiwalay na operasyon ng Sta Maria Municipal Police at 402nd MC RMFB4A ganap na 7:30 ng umaga Oktubre 6, 2022 sa Brgy. Poblacion II, Santa Maria, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Hon. Sheila Marie A Ignacio, Presiding Judge, RTC Branch 80, Morong, Rizal para sa kasong murder .
Sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang pagkahuli ng mga akusadong ito ay naging matagumpay dahil sa pagtutulungan ng mamamayan ng Laguna at kapulisan. Sa pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan sa ating mga himpilan ay mabilis na nadakip ang mga akusado na nagtatago dito sa Lalawigan ng Laguna.
Kaya nagpapasalamat po kami sa mga taga Lalawigan ng Laguna sa patuloy na pakikipagtulungan sa ating mga kapulisan”.(LPPO-PIO/KEVIN PAMATMAT)
- School Shooting in Tacloban City Leaves Three Dead, Five Injured
- SILENCED TO HIDE RAPE, Revenge Eyed as Motive in Batangas Killing; Suspect Nabbed in 90 Minutes
- 3 HOLDAPER ARESTADO NG QUEZON PNP
- DALAWANG PINAGHIHINALAANG TULAK NG DROGA, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA CALOOCAN
- Protesting a ‘Colonial’ Curriculum: Kidlat Tahimik Relinquishes National Artist Honor
- Rizal’s Legacy Lives On: Leaders Gather in Calamba as Senator JV Ejercito Pledges ₱100M for Laguna Mega Clinic
- Calamba Marks Rizal’s 165th Birth Anniversary with Call for Modern-Day Heroism
- City Plaza Unveiled as Calamba’s Vibrant New Heart During Buhayani Festival 2026
- QUEZON PULIS PINALALAKAS ANG UGNAYAN SA MGA KABATAANG ESTUDYANTE
- Mayor Ross Rizal Leads Push for Employment at Buhayani Job Fair 2026
- BI Pushes ‘End-to-End’ Border Security Upgrade Nationwide
- Makasaysayang Paglalayag Mula Taiwan Patungong Batanes, Isinagawa sa Pagdiriwang ng Batanes Day
- CALAMBA CITY EARNS COA ‘UNMODIFIED OPINION,’ AFFIRMING SOUND AND TRANSPARENT FINANCIAL MANAGEMENT
- We Hope Medical Group brings New Hope for Cancer Patients for Free Chemotherapy in Famy
- MASS BLOOD DONATION ISINAGAWA SA CALAMBA CITY HALL
- Gov. Sol Aragones Pushes for Five-Story Mega Clinic to Transform Healthcare in Laguna
- Dalawang Tulak Timbog sa Buy-Bust Operation sa Caloocan; Higit P64K Halaga ng Shabu Nasamsam
- NOTORIOUS DRUG PERSONALITY ARRESTED IN BACOOR CITY DRUG BUST
- P665K halaga ng shabu nasamsam sa Caloocan; 3 ‘High-Value’ suspects, arestado
- Chavit Singson Vows to Continue Exposing Alleged Flood Control Fund Anomalies Amid Cyber Libel Case
























Leave a comment